Chylee POV ILANG linggo na ang lumipas. At sa ilang linggong iyon, hindi ko akalaing napakarami ng nangyari. Si Miko, pagkatapos ng practice niya sa SWU, at sa klase niya ay dumidiretso siya sa Jollibee para mag working student daw. Baliw talaga. Pinigilan ko siya kaso hindi nagpapigil. May advantage at disadvantage na nangyari. Advantage. Dumoble ang kita. Halos lahat ng estudyante sa SWU, sa Jollibee na kumakain dahil naroon si Miko, para mag-take ng orders nila. Disadvantage. Hanggang closing, puno pa din ang Jollibee na tipong parang ayaw pa nilang umuwi hanggat naroon si Miko. Gabi gabi na kasi akong isinasabay ni Miko sa kotse niya. Hinahatid niya ako sa mansyon, tapos minsan sa bahay na siya nagdi-dinner. Para na kaming may relasyon, pero wala pa. Yes, wala pa sa ngayon pero op

