20

2151 Words
Chylee POV Another productive day. Habang tumatagal ay mas lalo ko pang minamahal ang business ko. Now I can say that I love being a businesswoman. Siguro ganito din si Dad, masyado niyang mahal ang trabaho niya kaya hanggang ngayon, hindi siya nagsasawa. I want to be like dad. He's the top one youngest billionaire. Bata pa si Dad, nag-start na siyang magpatakbo ng business and he's doing great. Kahit napakasalan na niya si mom at dumating kami ni Skyler, di pa rin niya napabayaan ang trabaho niya same as, hindi niya rin kami napabayaan. Magaling siya sa time management. Yun ang gusto kong matutunan. Kasi ngayon ko nare-realize na gusto kong sumunod sa yapak ni Dad. Like Skyler. "Baby don't forget our date. Mamayang gabi." Paalala ni Phoenix. Psh! Di makatulog eh. "I know. I know." "Sungit, baby. Magsuot ka ng maganda ha? Gusto mo mag-gown ka pa." Nagpoker face ako. "Saan ba date natin?" "Dyan sa labas. Sa turo-turo. Wahaha--AWW!" Hinampas ko nga. "Kahit kelan ka talaga." "Joke lang. Baby naman. Syempre dadalhin kita sa isang fancy restaurant. Diretso na ba tayo galing dito?" Nagko-close lami ng eight ng gabi. Dito sa branch ng Jollibee namin. Kung uuwi pa, ang laking time din ang mako-consume. "Yes. Diretso nalang. Okay naman 'tong suot ko." Sabi ko. I'm wearing a pink and white floral dress. Simple lang at girly na girly tingnan. "Oo naman! You looked like a goddess." "Shin-woo eh." Simpleng sagot ko. "Pero mas gaganda ka pa kapag nahaluan ka ng Laurel. Wahaha!" Sinimangutan ko siya. "Psh. Magtrabaho ka na nga!" Lumabas ako ng counter at naggala-gala sa loob ng fastfood. Nakakatuwa na laging puno itong branch namin. Pang-masa kasi talaga ang Jollibee. At famous talaga siya. Naks! Famous ang first love ko. "Good day! Kayo po ba si Miss Chylee Hera Shin-woo?" Tanong ng isang estudyante. "Y-Yes? Why?" "Here po." Inabot nya saken ang isang papel saka bigla nalang umalis. Weird. Binulat ko ang papel saka tiningnan ang nakasulat. Ano ba 'to. IMPORTANT: SWU GATE. NOW. Nanlaki ang mata ko. Bigla kasi akong kinabahan. Parang kidnapper lang at kidn*pped for ransom ang nangyayari. Bat naman ako pinapupunta sa SWU gate? Anong meron don? Aish. Lumabas ako ng Jollibee. Saglit lang naman siguro 'yun. Naglakad lang ako ng kaunti. Kasi halos katabi lang naman 'to ng SWU. Then I saw the gate. Wala namang tao at wala namang kakaiba? Hanggang sa biglang may sumipol at bumagsak ang tarpaulin sa taas ng gate. I LOVE YOU MY HERA Napalunok ako. My Hera? Isa lang ang tumatawag ng ganon sa'ken. Shemay ano ba 'to? Maya maya pa ay biglang naglabasan ang mga tao. Nakapalibot sila ngayon saken pagkatapos ay may tumugtog. Di ako familiar sa kanta pero ang ganda ng melody. Hanggang sa lumabas ang lalaking naka-maskara. Naka-maskara ng jollibee. Seriously? Nakatayo siya sa isang monobloc yata. Tapos kumaway sa'ken. Si Prince Miko ba'to? Talagang nag-maskara pa ng Jollibee. Pa-famous. Psh. "Sa Jollibee..bida ang saya!" Kanta niya. Napatungo ako. Nakakahiya siya. Ano ba 'yan. Nagagawa niya 'to? Pffft. "Pero kay Prince Miko, mas bibida ang saya!" Jusko po. Prince Miko anong tinira mo? Katol? Rugby? O ano kaya? "Wooohhh!" "Push pa!" Nahihiya ako sa sigawan ng mga estudyante. Alam ba ni Mom 'tong pinaggagawa ni Prince Miko sa gate ng SWU? Napatunghay ako nang mapalitan ang tugtog. Korean song. I don't know the title pero para siyang sayaw. Jusko! Si Miko sumasayaw! "Good, good boy!" Sigaw nung mga estudyante na sumasabay sa beat ng kanta. Wala naman akong naiintindihan sa lyrics kundi yung word na 'good boy' ay jusko, nakembot si Prince Miko! Masama na ito. Sinapian ni Jollibee si Miko! Si Jollibee lang naman ang mahilig kumembot eh. Para akong timang na nakatingin kay Miko. Mukha siyang ewan. Di ko ma-imagine si Jollibee na maganda ang built ng katawan. Kasi nga naka-maskara siya. Kaya mukhang machong jollibee. Nang matapos sya sa performance niya na akala niya yata concert niya, tinanggal na niya ang mask niya. Saka diretsong tumingin sa'ken. Nakangiti siya ng pagkalapad-lapad. Malapad pa sa noo ni Jimmy Neutron. "Hera. Gusto kong ipagsigawan sa lahat na mahal kita. I love you. Sige lang, i-basted mo ako ng i-basted. Lalo lang kitang liligawan ng liligawan at hindi ako mapapagod. Because you're all I want, Hera." "Wooo!" "Ahhhhh! So kilig!" "Prince Miko is heart!" "Wala na tayong pag-asa mga 'te!" "Huhubels na! May mahal na si Prince Miko!" "Ang bias ko sa SWU Tigers! Huhuhu!" Sumasakit ang tainga ko sa sigawan ng crowd. Pero inaamin ko, kinilig ako sa sinabi niya. But it doesn't mean na malaki na ang pag-asa niya sa'ken. No. Hindi. Tama siya, i-ba-basted ko lang siya. Pero dahil mabait ako, hindi ko i-a-announce dito. Sasabihin ko sa kanya ng harapan at kaming dalawa lang ang tao. Ayoko ng mag-effort pa sya ng ganito. Kasi ayokong sumubok. Dahil ayokong masaktan ulit. Tama na 'yung katangahan ko noon. Tama na yung sakit na naramdaman ko noon. Dahil yung sugat na ibinigay niya saken, may naiwan pang peklat. Masakit pa dito. Kahit iniisip ko na naka-move-on na ako sa kanya, sinasabi ng puso ko na hindi pa. "Hera." Lumapit sya sa'ken. Huminga ako ng malalim. "Prince Miko, pwede ba tayong mag-usap?" "Of course." "Sunod ka sa'ken." Sabi ko saka pumasok sa Jollibee branch ko. Ramdam ko naman na nakasunod lang sa'ken si Miko. Gusto ko siyang makausap ng masinsinan at balak kong dun kami sa taas, sa private office namin ni Phoenix. "Hoy bata, ba't nakasunod ka kay Chylee ha? Bawal siyang sundan! Saka oras ng klase ah. Ba't nandito ka? Dun ka sa SWU. Mag-aral kang ma--" "Phoenix. Pinasunod ko sya sa'ken. We'll talk upstairs. Wala munang istorbo." "Ano?" "Manahimik ka na, tanda. Tch!" Napailing nalang ako nang marinig ko ang sinabi ni Miko sa likod ko. Umakyat na ako sa tass kasunod si Miko. Pagpasok namin dito sa private office ay ini-lock ko muna ang pinto. Prente siyang umupo sa couch. Psh! Same Prince Miko Abellano--mataas ang tingin sa sarili. "So.." Panimula ko. "Gusto kitang makausap tungkol sa panliligaw mo." Biglang nagningning ang mga mata niya. "Great. Sinasagot mo na ba ako, Hera?" Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis. "NO." Saka sumimangot. "What? So anong pag-uusapan natin?" Tanong niya. "I want you to stop, Prince Miko. Wala kang pag-asa sa'ken kaya mabuti nang tumigil ka." "You love me." I smiled bitterly. "Yes. But that was before. Now? I can live without Prince Miko Abellano in the picture." Sarcastic kong sabi. "Hera.." "Prince Miko, tama na. Pwede? Kahit anong gawin mo, hindi kita sasagutin. Kung naging tanga man ako sa pagmamahal sa'yo, pwes noon yun! Iba na ngayon. 2015 na! Para sa'ken, hindi na uso ang second chance!" Sinubukan niya akong lapitan pero napa-atras ako. "Please, Miko?" "I can't. I want you, Hera. I love you. Nagsisisi na ako na nasaktan kita noon. Please! Kung hindi na uso sa'yo ang second chance, why don't you give me a last chance?" Sumasakit ang ulo ko kay Miko. "Sinabi ko na kase, ayoko. Ayoko! Ayoko! Ay--" Napalunok ako nang maramdaman nalang ang labi ni Miko na nakalapat sa labi ko. Nang bumitaw siya ay ngumisi siya. "You liked my kisses. So you still loves me." He said. Ang kapa talaga! "N-no! And pwede ba! Wag mo ng uulitin 'yun! Di ka na nakakatuwa, Miko! Basta basta kana lang nanghahalik!" "Sorry. Please, give me last chance." Wala yatang balak tumigil si Prince Miko. "Hindi ka ba talaga titigil?" Tanong ko. Umiling siya. "No. Titigil lang ako 'pag wala na kayong pambiling bigas." W-what? Ano daw? "Walang pambiling bigas? Kami?" "Yes. That's inpossible right? So it means, imposibleng tumigil ako. Hindi ako titigil hangga't 'di ko nakukuha ang matamis mong oo." "Matamis na oo?" Napaka-makata naman ng isang 'to. Psh. Tumango siya. "Oo. Matamis na oo. Matamis pa sa mcfloat." I puckered my lips then look at him. "Dun ka sa mcdo! Nasa Jollibee ka! Alis!" Nagulat naman siya sa biglaan kong sigaw. Magbabanggit ba naman ng pagkain sa mcdo! Like hello, nasa jollibee kami. Respeto naman! "W-what did I do?" "Ewan sayo! Basta alis!" "Wait. Wala ka pang sagot. Last chance, please?" Mariin akong pumikit. Nauubos ang pasensya ko. Ang kulit niya! He's not the Prince Miko I used to know. "No!" "Last chance." "I said no!" "Please?" "No!" "I'll do whatever you want." "No." "Your mother is Chelsea Torres Shinwoo?" Saglit akong natigilan. "Huh? Yes." "Your father is Kyle Shinwoo?" "Yes." Ano ba 'tong tanong ni Miko. "Your twin is Skyler Knox Shinwoo?" "Yes?" "You know Enzo?" "Yes." "Renzo?" "Yes." "Last chance?" "Yes." "Yesssss! Sabi mo 'yan." Biglang sigaw niya at takbo sa pintuan saka binuksan 'yun. Wait. What.. "Hoy Prince Miko!" Sigaw ko nang akma na siyang aalis. "What is it, Hera? Nag-yes ka na!" Parang uusok ang ilong ko sa inis. "Hindi ako nag-yes!" He's smiling like an idiot. Itinaas niya ang hawak na mobile phone. "Naka-record, my Hera. Wahaha! Last chance." Tuluyan na siyang umalis! Yaaaa! Nakakainis! Nilito niya ako. Aish. Prince Miko Abellano, you're getting into my nervessss! -- Romantic place. Love songs. Iba talaga mag-prepare si Phoenix. Mukhang pinaghandaan niya 'tong date namin. "So, baby.." Kinasanayan niya na talaga ang pagtawag ng 'baby' "Yes, Phoenix?" "Nagustuhan mo ba ang foods? Nabusog ka ba? Kung hindi, tell me. O-order pa tayo. Anything that you want. Kahit gaano pa ka-rami." Galante ang Phoenix Laurel natin. Hindi ito basta bastang restaurant. Pang-sosyal at pangmayaman talaga. "Yaman, Phoenix. Hindi ka yata kuripot ngayon." Biro ko. "Yeah. Tita ko ang may-ari ng restaurant na'to kaya libre. He-he." Nawala ang ngiti ko saka nag-poker-face. "Seriously?" "Wahaha! Joke lang. Baby naman. Ikaw pa, pagkakagastusan kita. Wala pa naman akong binubuhay na pamilya eh. Pero kung handa ka ng magka-pamilya, you can tell me para masim--AWWW!" Hinampas ko siya ng stemmed rose sa ulo. "Puro ka kalokohan." "I know. Marami akong kalokohan sa katawan. Pero hindi kasama 'yung pagmamahal ko sa'yo. It's genuine and pure. Mahal kita, Chylee. Alam mo 'yan." Natutuwa ako na may nagmamahal sa'ken ng ganito. Yung hindi humihingi ng kapalit. Yung hindi nag-aasam ng kapalit. Go with the flow lang. Hindi ko naman sya pinapaasa dahil wala akong balak na paasahin siya. Isang mabuting tao si Phoenix. "Phoenix.." Seryosong sambit ko. Nagpunas siya ng panyo sa noo. "Damn it. Eto na. Seryoso ka na, Chylee. Baka sagutin mo na ako. Wait lang, hihinga muna ako ng malalim ta--AWW! Chy naman!" "Psh! Dami mong segway eh. Masama na bang mag-seryoso?" "Kinakabahan lang ako kapag nagse-seryoso ka, Chy. Mahirap na baka bigla mo akong sagutin, mahimatay pa ako." Napa-poker-face ako sa sinabi niya. Kahit kelan talaga. "Phoenix." I said in my warning voice. "Hindi na, hindi na. Ano 'yong sasabihin mo?" "Aware ka naman na may isang tao na nananatili pa din dito sa puso ko.." Panimula ko. "Yes. I know. And I can feel it." "Ginagawa ko ang lahat para tuluyan na siyang mabura dito sa dibdib ko. Kung meron lang tayong magic eraser na may kakayahang bumura ng tao sa puso natin, baka bumili na ako at binura siya. Pero wala eh. Mahirap.." "Hindi kita pine-pressure, Chylee. Isa pa, sabi ko naman sayo. Mahal kita kaya ginagawa ko ang lahat ng 'to. Kung bakit nag-stay ako sa tabi mo. Hindi naman porket mahal kita ay kailangan mo na din akong mahalin. Sapat na sa'ken yung hinayaan mo akong ipakita at iparamdam sa'yo na mahal kita. Hindi ako naghihintay ng kahit anong kapalit. Masarap ang mahalin ka, Chylee. Masaya. At kuntento na ako don." Shemay. My tears started to fall. May ganito pa palang lalaki? Damn, Phoenix Laurel. You're the man. Pinahanga mo na naman ako. "Pero..diba matututunan naman kitang mahalin?" Nakangiting tanong ko. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. "You mean?" "I like you, Phoenix. And I'm starting to give myself a chance na magmahal ulit. Ibang panahon, ibang pagkakataon, at ibang lalaki." Nandidilat pa din ang mata niya sa'ken. "Fvck. I can't believe this. You're saying?" "Pwedeng maging tayo? Pwedeng sagutin kita? Pwedeng mahalin kita? Pwedeng.." Nagulat nalang ako nang bigla siyang tumayo at lumuhod sa tabi ng inuupuan ko. He held my hands and looked at my eyes. "Isa lang ang masasabi ko, Chylee. I really love you." Ngumiti ako saka tumayo. Tumayo na rin siya at yumakap sa'ken. "Oh, damn.." He whispered. "Maka-react ka naman dyan, parang sinagot na kita." Biro ko. "Para mo na rin akong sinagot dahil sa sinabi mo. I'm happy. Really." Gumanti ako ng yakap. So..maybe this is the chance na matuto akong magmahal ng ibang tao. All my life, I've been dreaming of Prince Miko Abellano. Pero anong nangyari, he became my worst nightmare. Ayoko ng balikan 'yun. Ayoko ng balikan ang nakaraan na masyado kong mahal si Prince Miko. Kung nagawa niya akong saktan noon, ngayon pa ba? Mas mabuti ng nag-iingat. I need to take care of my heart. Yeah, my heart.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD