Chylee POV Balik sa dating gawi. Narito na kami sa manila. Nag-enjoy ako sa ilang araw na pag-stay namin sa Batangas pero aaminin ko, may parang nakabara sa may dibdib ko dahil sa inaakto ni Miko. Simula kasi no'ng bonfire, tahimik na siya. Kahit sa pag-kain, hindi na siya nakikipagkulitan kay Phoenix. Ni hindi niya ako matingnan. Nakaramdam din yata si Phoenix kaya hindi na rin niya pinagti-trip-an si Miko. No'ng pauwi na kami, hindi siya tumabi sa amin. Do'n pa siya naupo sa may likod ng van katabi ang kapatid niya. "Chylee?" Nag-angat ako ng tingin. "Shanice." Narito sina Shanice at Zia. Nakilala kasi nila Mom and Dad si Zia nang makauwi kami galing Batangas at tuwang tuwa sila sa ka-bibuhan niya. Kaya in-invite sila dito sa mansyon for dinner. "Problem? Si Miko ba?" Tanong niya s

