Chylee POV Hindi ako mapakali. Nakasuot ako ngayon ng black swimsuit. Hindi sa wala akong confidence, iba lang talaga 'yung feeling kasi alam kong ngayon lang nila ako makikitang nakasuot ng ganito. Well except kay Skyler dahil sa US, sanay naman akong magsuot ng ganito tuwing magyayaya siyang mag-swimming. Kasama ko man doon si Phoenix, never pa niya akong nakitang nakasuot ng ganito. Di bale, confidence, confidence! Huminga ako ng malalim saka muling tumingin sa salamin. Alright. Itinapi ko sa bewang ko ang bandana. Kami kami lang naman ang narito sa resort kaya ayos lang na naka-bra lang ako sa pantaas. Swimsuit nga eh. Lumabas na ako ng kwarto ko saka bumaba kung saan sila naroon. Natanaw ko sila malapit sa dagat. May naghahabulan, teka, triplets ba 'yun? Napailing nalang ako. May

