Chylee POV
Pababa ako ng hagdan nang makasabay ko si Kenzo. Tumatakbo pababa, nagmamadali. At aba, naka-civilian. Hindi naka-uniform?
"Ate! Don't forget to watch our game later. Bye!" Sigaw nya saka diretsong lumabas ng main door.
Mukhang late ang kapatid ko. Baka may practice pa. May laban nga pala sila ngayon ng basketball. They need my support as Ate syempre.
Niyaya ko naman si Phoenix so may kasama ako papunta dun mamaya. Teka, anong oras nga ba start non?
I'm heading to living room nang madatnan ko si Enzo na nagsusuot ng rubber shoes nya.
"Ate, yung game namin mamaya ah. One pm. Manood ka. Tapos pagdala mo na din ako ng pakwan. He-he!"
Pakwan monster. "Saan naman ako kukuha ng pakwan, Enzo?"
"Sa watermelon plantation ni Dad. And marami pa dyan sa fridge. Pagdala mo lang ako mamaya para sweet ang dating, Ate." Nakangiting sabi nya.
Umingos ako. "Dami mong alam. Ikaw talaga. Siya sige, di ka ba nagmamadali? Si Kenzo nauna ng lumabas."
"Bahala siya, Ate. Most punctual na nga yun. Tch. Ayaw na ayaw male-late. Kelangan advance siya ng one hour. The heck! Saka marami naman tayong driver at sasakyan kaya ayos lang na di na kami sabay sa isang kotse."
Ang mga kapatid ko talaga, pinalaki din ni Dad sa luho. Parang ako.
"Kids."
Lumingon ako and there, si Mom and Dad na parehong nakabihis. Si Dad na naka-business suit at si Mom na semi-formal attire. Bagay sa kanya ang mini dress na suot nya.
"Hi Mom, Dad!" Bati ko.
"Hey, baby. Wala kang lakad today? Anong balita sa location ng business mo?" Tanong ni Dad.
"Okay na Dad. Siguro babalik nalang kami dun for payment na. And you know, sayo manggagaling 'yun, Dad. Hehe!"
He smiled at me. "Alright. Daan ka sa company later then I'll give you the check for payment."
Waaa! Dad is so galante talaga. Pero yung gagawin ko namang business is magiging responsible ako don.
"My baby is all grown up. Marunong na sa business. I'm proud of you." Sabi naman ni Mom.
"Mom, Dad! My allowance?" Singit ni Enzo na mukhang ready na sa pagpasok.
"How much do you want?" Tanong agad ni Dad saka naglabas ng wallet mula sa pocket nya sa likod ng pantalon nya.
"Hep! Ikaw Enzo, kakabigay ko lang ng allowance mo kahapon." Naka-poker-face na sabi ni Mom.
"Mom naman. Kulang sa'ken ang five thousand." Ungot ni Enzo.
"Seriously, Enzo? Tatlong araw lang pasok mo sa isang linggo and the rest of the week, puro basketball lang kayo. Kulang pa din sa'yo yon?"
Mom will always be mom. Well, di naman sa sobrang pagmamayabang but we really have lots of money. Mayaman talaga si Dad. He's the youngest billionaire sa Asia. Ang dami nyang companies even in abroad and other business. Magaling pa syang mamahala na namana ng ka-kambal kong si Skyler.
But then, kahit ganon, hindi nagbabago ang pananaw ni Mom na hindi dapat kami nagsasayang ng pera sa mga walang halagang bagay. Kumbaga kahit alam naming marami kaming pera, hindi dapat gastos ng gastos. Kelangan may sense din ang pinagkakagastusan. Ako, lumaki akong spoiled kay Dad pero habang lumalaki naman ako naiintindihan ko si Mom.
"But Mom.."
"Here. That's your allowance from me and not from your Mom." Sabi ni Dad sabay abot kay Enzo ng ilang piraso ng one thousand bill. How much kaya 'yun?
"Gummy bear!" Suway ni Mom.
"Let him be, baby ko. Let's go. Hahatid pa kita sa SWU." Sabi ni Dad saka hinawakan ang kamay ni Mom.
Sila ang ideal couple ko. They really loved each other. Tipong, sila ang living proof ng kantang Grow Old With You. Kahit tumatanda na sila, hindi nagbabago yung sweetness and love nila for each other. I'm lucky na magkaroon ng parents na pwedeng magpatunay ng happy ever after.
"Psh. Gummy bear, kahit kelan ka talaga. Inii-spoil mo 'yang anak mo. Pinagawan mo na nga ng watermelon plantation. Jusko! Saan ba nagmana ang mga anak natin." Si Mom ganyan lang talaga siya magsalita pero matatawa ka lang sa expression ng mukha nya.
"Mom! Inspirasyon ko ang bawat pakwan na kinakain ko from watermelon plantation. Dahil sa pakwan, matataas ang grades ko. Know what Mom? Kung pwede lang pakasalan ko na ang pakwan, nagawa ko na. Haha! Bye, Mom and Dad. I love you both. Thanks for allowance, Dad!" Sabi ni Enzo. Saka umalis na. Lokong bata talaga. Kung anu-anong sinasabi.
Try nya pakasalan ang pakwan. Baka may pagsusuutan sya ng engagement ring. Baliw talaga.
"Oh ikaw, baby?"
"Mamaya po pupunta akong SWU with Phoenix. May game ang triplets so panonoorin ko sila."
"I see. Aalis na kami ng Mom mo. Bye." Sabi ni Dad.
Nag-kiss ako sa cheeks nila pareho at pinanood silang lumabas ng mansyon na magkahawak ang kamay. Aww, really sweet!
Aha! Yung phone ko nga pala. Ire-remind ko si Phoenix na pupunta kaming SWU mamaya. Umakyat ako sa hagdan kung saan nakasalubong ko naman si Renzo na--well, anong i-e-expect ko sa kapatid kong selfie king? Nagse-selfie sa may hagdan. Naka-peace sign pa. Ang bakla.
"Hey Renzo. Para kang bakla mag-pose."
Humarap sya sa'ken at ngumiti. "Yow Ate! Nagpost muna ako sa i********: ng selfie. With caption, I'm late but still handsome. Wahaha!"
Kapatid ko nga 'to. May lahing Shin-Woo nga ang isang 'to. Psh. "Go, go! Kanina pa naka-alis sila Kenzo at Enzo."
"Okay, Ate. Yung game namin mamaya ah. Dala ka pom poms Ate tapos cheer mo kami habang naglalaro."
Aba! Inutusan pa ako. "Kelan pa ako naging cheerleader, Renzo?"
"Mamaya? Hehe."
"Ikaw talaga! Sige na umalis ka na."
"Kung makataboy ka naman ng gwapo, Ate. Tch."
Jusko. Ang sakit sa bangs ng triplets. Seriously. Saan ba nagmana ng kakulitan 'tong mga 'to? Ganito din ba kami ni Skyler dati? Well, di ko matandaan. Mabait yata at mahinhin ako nung bata ako eh. Haha!
"Sige na. Handsome alis na."
"Okay Ate pretty. Bye. I love you. See you later!"
Sweet little brother. Umalis na din sya so nagpatuloy na ako sa pag-akyat hanggang makarating ng kwarto ko.
Kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa kama ko. And there..
4 missed calls
5 messages recieved
Ang dami yata? I checked the missed calls at isa lang ang nag-register. Unknown number. And I know this number is Miko's number. Di ko naman sinave. Psh.
I opened my messages.
From: Phoenix
Hi baby. Goodmorning. Napanaginipan mo ba ang gwapo kong mukha? Oh com'n, wag kang masyadong kiligin. Wahahah!
-end-
Forever feeler talaga 'tong Phoenix na'to. Di ko muna nireplyan. I checked the other messages.
From: Li'l Bro Enzo
Yow! Morning pips! Tuwing pagkagising ko nalang lagi kong pinoproblema ang kagwapuhan ko.
/GM/
-end-
May pa-gm gm pa 'tong kapatid ko. Jusko talaga!
From: Skyler
Hera, let's have dinner tonight. My treat. I miss my twin.
PS. I'm busy at the company.
-end-
Yaaa! My twin is so sweet. Medyo nanggilid naman 'yung luha ko. Kase para ngang nung dumating kami dito from US, di na kami nakakapag-usap at bonding man lang. Di ko pa din sya nakakausap about dun sa nangyari nung welcome party namin pati 'yung about sa kanila ni Shanice.
From: Shanice
Hi Chy! I miss you. Asan ka?
-end-
Ang bestfriend ko, yayayain ko din pala sya mamaya. Tatawagan ko nalang sila ni Phoenix. Check ko lang 'tong last message.
From: +639051234567
Hera. Please watch my game. You'll be my inspiration
-end-
Shemay! Si Miko 'to eh! Si Miko ba talaga? Kelan pa sya natutong gumamit ng heart emoticon sa text? OMG! And manonood naman talaga ako ng games mamaya sa SWU so may possibility na mapanood ko sya. Pero 'di ko sya ichi-cheer. Asa naman sya! Moved-on na kaya ako.
Hmp! Gonna call Phoenix and Shanice nalang para mamaya.
--
Hindi magkamayaw ang fans ng SWU Wolf at SWU Tigers. Grabe. Punung-puno ang gymnasium. Kumusta naman? Buti tumawag si Enzo kanina na nireserve nya kami ng upuan sa second row.
"Chy, grabe ha! Malamang maraming fans ang Shin-woo triplets! Kasing-gwapo ba naman ni Skyler. Pak na pak!"
Si Shanice talaga. Naging open na sya sa feelings nya for Sky. Okay naman sya sa'ken, kaso I know na di naman sya ang mahal na ka-kambal ko kaya ayaw ko din syang masaktan.
"Tch. Shanice, kung gwapo ang mga Shin-woo, syempre magaganda din ang Shin-woo lalo na 'pag nahaluan ng Laurel. Wahaha!"
"Feeler mo talaga Phoenix! Basted mo nga 'to, Chy."
"Ang sama nito. Tch."
Hindi ko pinansin 'yung dalawa. Kase naman, pagpasok palang dito sa entrance, medyo sikip na. Tapos ang gugulo pa ng mga students.
Kikiligin lang, may pasayaw sayaw pa with matching hampas sa katabi. At kung makagalaw naman, di mo maintindihan kung may epilepsy eh. Psh!
"Excuse, dadaan ang prinsesa ko!" Sigaw ni Phoenix sa bawat dadaanan namin.
Sweet talaga sya at gentlemen. Well, opposite ni Miko. And, bakit ko na nga ba sila kino-compare? Hmp.
Nang makarating kami dito sa second row, kinawayan ako ni Renzo.
"Uy, siya yung Ate nung Shin-woo triplets! Tingnan mo super ganda nya. Kamukha talaga!"
"Oo nga! Makipagclose tayo para makalapit tayo sa shin-woo triplets!"
Mga students dito, naku, naku! User! Gagamitin pa ako. Shemay naman.
"My sister!" Pakilala ni Kenzo sa'ken sa teammates niya nang makarating kami dito sa second row ng bleachers.
"Hi!" Bati ko sa kanila.
Nagkawayan sila sa'ken at nag-hi din ng halos sabay-sabay.
"And I'm his husband--AWW!"
Baliw talaga 'tong si Phoenix. Binato tuloy sya ni Enzo ng balat ng pakwan. Eh, diba matigas yun? Haha.
"Feeling mo Kuya Phoenix. Tch."
"Enzo naman!"
Sa halip na sagutin sya ni Enzo ay tumingin ulit sa'ken. "In a minute, magsisimula na ang game, Ate. Hintay kalang dyan. Papasikat na kami. Wahaha!"
Natawa nalang ako sa sinabi ni Enzo and ayun nga. Nagdi-drible na ng bola sa gitna ng court.
"Hanep talaga kapatid mo, baby. Parang hindi boto sa'ken eh!"
"Kahit naman ako, bilang bestfriend, hindi boto sa'yo. Pero kung pakakainin mo kami ni Chy mamaya sa yellow cab, boto na ako sayo." Singit ni Shanice.
"Nambola ka pa. Gusto mo lang magpalibre. Tch. Ikaw Shanice para kang 'di mayaman eh. Hilig magpalibre. Pero dahil love ko si Chylee, sige li-libre ko kayo mamaya."
Ngumiti ako. "Thanks Phoenix." Sabi ko.
Ginantihan naman nya ako ng ngiti. "Wala bang I love you dya--AWWW!"
Kinurot ko sa tagiliran. Feeler talaga eh.
"AAHHHHHH!"
"SWU Tigers!"
"I love you number 25!"
Napatingin agad ako sa gitna ng crowd. Number 25 daw. And there, si Miko na naka-jersey ng SWU Tigers, hawak ang bola at nagpapa-shoot sa ring. Ang gwapo nyang tingnan. No doubt, sya talaga ang pinagkakaguluhan ng mga babae dito.
"Hanep talaga! Daming fans ng batang 'yun ah. Magaling pa ako mag-basketball dyan!"
"Kuu! Tinamaan ka na naman ng pagka-feeler mo!" Sabi ni Shanice.
Natawa ako. Kase naalala ko, nung nagbasketball si Sky at Phoenix sa US one time, nung free day namin, sakit ang tiyan ko kakatawa. Si Phoenix lang yata ang lalaking kilala ko na di marunong magbasketball. Mukhang ewan. Itinatakbo kay Skyler ang bola habang yakap yakap sa may tiyan nya ang bola tapos pag ipapa-shot, pahagis pataas. Baliw talaga.
"Anong nakakatawa, baby?"
"Basta nalang tumatawa si Chy. Bakit? Share naman."
"Naalala ko si Phoenix sa US. Hahahaha! Di marunong magbasketball!" Tawang tawang kwento ko.
"Yak ka Phoenix! Di ka pala marunong magbasketball? Anong alam mo? Jollens? Hahaha!"
Nagblush si Phoenix. So cute!
"Goodafternoon everyone!"
Napatingin kami sa court nang magsalita na ang announcer. Hindi ko alam kung tama ako pero nakatingin si Miko sa gawi namin. Masama ang tingin. Bakit naman? Inaano ko ba sya? Psh. Di ko nalang pinansin at nilipat ang tingin ko sa announcer.
"First game will be the SWU Tigers VS EAU Roar!"
"Wooohhhh!"
"Go Tigers!"
"I love you Prince Miko!"
"Number 25 is heart!"
Sigawan ng mga babaeng matitindi ang lalamunan kung makahiyaw. Ganyan kadami ang fangirls ni Miko?
"Let's start the game!" Sigaw muli ng announcer kasunod ang malalakas na hiyawan, tunog ng drums, pagchi-cheer ng mga cheerer ng Tigers.
May sumasayaw pa sa gilid na mascott ng Tiger. Sila na talaga!
Nag-start ang game. Nakatutok lang kami sa court. War muna kami nina Shanice at Phoenix. Wala munang pansinan. Seryoso akong nanonood.
"Abellano, three points!" Sigaw nung announcer.
"Naka-three points lang, kala mo na kung sino! Tch."
Napatingin ako kay Phoenix. "Bitter mo. Haha!"
"Tch!"
Tumingin ulit ako sa court and there hawak ulit ni Miko ang bola. Tumigil sya sa 3-ponts line at bago i-shoot ang bola ay tumingin sa gawi ko?
May sinenyas sya using his hand pero diko naman na-gets saka nya shinoot ang bola.
"Whoaaaaaa!" Sigawan ng mga manonood. Ang iba ay nakatingin sa pwesto ko. Shemay.
"Abellanooo, three pointtssss!"
"Ahhhhhhh! Ang galing talaga ni Prince Miko!"
Yung kabog ng dibdib ko, ang lakas. Ano bang nangyayari sa'ken. Hindi ko nga gets yung sinenyas ni Miko saken--saken nga ba? Pero sa pwesto ko sya nakatingin eh. Mga lalaki naman ang nakaupo sa likuran namin. Di naman siguro sya bakla.
"Yeee! Ang bongga ni Miko ah! Pasenyas senyas pa! Ikaw na, Chy!" Sabi ni Shan.
"Di ko nga gets yung sinenyas nya eh." Sabi ko.
Nagpoker-face sya. "Ano ba yan! Nagsisigawan na ang manonood dahil sa sinenyas ni Miko tapos ikaw loading? Ibig sabihin nong sinenyas nya is, 'for you' Naks! Chy."
"Hoy Shanice! Makapagkwento ka dyan, parang wala ako dito ah." Singit ni Phoenix na mukhang masama ang mood.
Feeling ko nag-blush ako sa nalaman ko. For me? Yung 3-ponts shoot nya? Kikiligin na ba ako? Arghh! Bakit ganito ang napi-feel ko?
I moved on, right? But why did my heart keeps beating that fast for him?
God, naka-move na ba talaga ako? O iniisip ko lang na naka-move on nako? Shocks!