Chylee POV NAKAHALUMBABA ako sa dining table habang hinihintay na mag-serve ang cook ng breakfast namin. Kanina kasi ay tinawagan ako ni Shanice at nagyayaya siyang mag-mall with baby Zia. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya sinabi ko nalang na sasabihan ko siya kapag pwede ako. Masama kasi ang loob ko sa kaniya at medyo inis ako dahil sa ka-bitchy-han niya kay Riana na naging dahilan kaya inatake si Skyler. Hindi ko siya mapapatawad kung may nangyaring masama sa ka-kambal ko kahit pa bestfriend ko siya. "Chylee, anak. Masamang maghalumbaba sa hapag." Agad akong tumunghay dahil sa sinabi ni Mom. She's smiling at me. Nakabihis na siya, at sa tingin ko ay handa na siya papasok sa SWU. "Goodmorning, Mom. I'm sorry." Sabi ko. Umupo siya sa tapat ko, sa tabi ng upuan ni Dad. "Goodmorning,

