Miko POV
Inubos ko na ang laman ng bote. Nandito ako sa bar ni Tito Ken--kaibigan ni Dad at former player ng SWU Tigers. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Fvck! I just can't get enough with Hera.
Hangga't tinatanggihan niya ako at tinutulak akong palayo, lalo akong nagiging eager na makuha siya. Damn, I love her. Anong kulang? Nanligaw ako, nag-effort, nagsayaw sa harap ng maraming tao, nagnakaw ng bigas sa kusina namin, pinakalbo ang garden namin, nagsuot ng maskara ni Jollibee. Fvck! Ano pa ang dapat kong gawin para makuha ang loob ni Hera?
"Hey, babe.." Bati sa'ken ng babaeng may malaking boobs. Naka-sleeveless pa. Fvck. Naging malandi at playboy ako, oo. Pero mula nang dumating si Hera galing US, nagbago na ako. Parang sa kanya nalang umiikot ang mundo ko.
Kumalong sa'ken ang babae at sinubukan akong halikan sa leeg ko but I pushed her. Wala ako sa mood. Isa pa, loyal ako kay Hera. Hindi ako gagawa ng bagay na ikakasama ng image ko.
"Aww! That hurts. Bakit mo naman ako t--"
"I don't like you. So shut the fvck up!" Sigaw ko.
Umayos ulit ako ng upo saka naramdaman kong may uamkbay sa'ken. "Easy man." Si Calvin--isa sa mga kaibigan ko.
"Tch." Sumenyas ulit ako sa bartender ng another shot of brandy. Kanina pa ako nag-iisip kung anong sunod na gagawin ko para kay Hera.
Ang tanga ko. Kung kelan ko mare-realize na mahal ko si Hera, kung kelang ayaw na niya sa'ken. Dati andyan na eh! Sya na ang lumalapit pero anong ginawa ko? "Tangna, ang gago ko."
"Matagal ka ng gago brad." Sabi ni Calvin.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Easy..cool ka lang brad. Ano bang problema natin?"
"Hera." Simpleng sagot ko. Kilala nila si Hera. Sino ba namang hindi makakakilala sa prinsesa ng mga Shin-woo. And they are aware that I'm inlove with her. So much. Saksi sila sa mga pinaggagagawa ko, mapansin lang.
"Naknang! Hindi mo pa rin napapasagot? Mahina ka brad. Abellano ka ba talaga?"
Lalong sumama ang tingin ko sa kanya. "Sawa ka na ba sa--"
"Buhay ko? Hindi pa brad. 'To naman. Gusto mo bang turuan kita ng tips?"
Alam na alam na nila ang line ko kapag badtrip na ako. My Dad's famous line when he's in college. That 'Sawa ka na ba sa buhay mo' line.
"Anong tips?" Tanong ko. Basta para kay Hera, attentive ako.
"Sa panliligaw. Sa mga romantic na bagay na dapat iparanas mo sa babaeng mahal mo." Sabi niya.
"Anong alam mo sa romantic na 'yan?" Sabi ko. Isa pa 'tong gago na 'to. Hanep sa pagka-playboy eh.
Ngumisi siya saka nilagok ang hawak niyang bote ng alak. "Ako pa brad? Kahit playboy ako, marunong din naman akong magpaka-romantiko. Syempre pinapaasa ko ang mga babae ko paminsan-minsan."
"Gago ka talaga."
"Gago talaga ako brad. Aminado naman. Wahaha! Ano nga? Gusto mo ng tips? Handa ka bang gumastos at maglaan ng effort?"
Nag-poker-face ako. "Ako pa tinanong mo niyan?"
"Oo nga pala. Abellano ka. Wahaha! Ge, tuturuan kita brad. Tingnan lang natin kung hindi mo mapakilig 'yang Hera ng buhay mo."
"Don't call her Hera! Fvck you."
"Eh anong gustong itawag ko? Baby?"
"Ulol! Call her Chylee. Damn you."
"Tangna brad! May mura pa. Siya, sayo na ang Hera mo. Tch. Asta pangalan!"
"Wala kang pakialam."
Nagkamot siya ng ulo. Tangna, ako lang ang tatawag ng Hera kay Chylee. She's my Hera..only mine.
-
Chylee POV
Kanina pa ako tawa ng tawa. Napag-tripan ko kasi si Phoenix. Ewan ko kung bakit naisipan kong mantrip.
Busy si Phoenix sa pag-oorganize ng pila sa counter nang daanan ko siya at bulungan ng 'I love you'. At ang loko? Nagsisigaw? Kinulit pa ako na ulitin ang sinabi ko. At sa halip na ulitin ko 'yung three words, word na 'Joke' lang ang sinabi ko. Napakamot lang siya sa ulo niya at nagmaktol. Parang bata.
"Sige tawa pa, baby." Naka-pout na sabi ni Phoenix. Ang cute niya talaga 'pag nagpa-pout.
Kinalma ko ang sarili ko. "Itsura mo kasi, epic eh." Imagine nyo si Phoenix na nanlaki ang mata at napanganga nung sabihin ko 'yung three words sa kanya. He looked so funny.
"Oo na! Tch. Pasalamat ka mahal kita."
Tumikhim ako. "Oo na. 'Wag ka ng magtampo dyan. 'Di na 'to mabiro. Masyado ka kasing seryoso kanina eh."
"Busy eh. Ang daming tao. Ikaw baby, sinasamantala mo ang kahinaan ko."
"Kahinaan?"
"Yung word na 'yun! Fvck. 'Pag naririnig ko, feeling ko automatic napuputol ang mga buto ko sa tuhod at basta nalang ako matutumba."
"Matutumba talaga?"
"Oo. Matutumba sa kilig. Tangna ang bakla, baby."
Natawa na naman ako. Kahit pagsasalita niya, minsan matatawa ka nalang eh. Expression ng mukha niya, laging epic. Kaya no doubt, masaya talaga ako kay Phoenix.
Magsasalita pa sana ako nang tumunog na ang phone ko. Tumatawag si Enzo.
"Yes, little boy?" Sagot ko sa tawag.
[Ate, 'wag mo akong tawaging little boy. Malaki na ako. Binata na ako. Nagmamahal na nga ako ng tapat.]
"Nagmamahal talaga ng tapat?"
[Oo ate. Aba! Loyal ako sa pakwan ko. Papatunayan naming may forever. PakwEn forever, ate.]
Nagpoker face ako. Baliw na'tong kapatid ko. "Ewan sa'yo, Enzo. So bakit ka napatawag?"
[Papasundo sana ako sa'yo, Ate. Dito sa gym ng SWU. Nagka-cramps kasi ako sa binti. I need your help.]
Nanlaki ang mata ko. "Cramps?"
[Oo ate. Sina Kenzo at Renzo kanina pa umalis kasi pa-gabi na. Naiwan lang akong mag-isa dito kasi nagpaka-dalubhasa pa ako sa three-point shot. Kaso namintig binti ko.]
"Teka, teka. Wala na bang ibang tao dyan sa gym? Wala bang kahit janito--"
[Ahhh! Ate ang sakit na. Ikaw nalang tinawagan ko kasi malapit kalang dito. Si Mom, alam ko sa oras na'to, nasundo na siya ni Dad. Labasan na rin ng mga estudyant--AWW!]
"Wait, wait! Sige pupuntahan kita. Stay put ka lang dyan. Pupuntahan kita, okay?"
[Sig--AWW! Bilisan mo, Ate.]
Kinabahan ako. Kawawa naman ang little brother ko. Naputol na ang tawag. Tumingin ako sa oras sa phone ko. Mag-alas-syete na pala.
"What happened?" Tanong agad ni Phoenix.
"Ah, pupuntahan ko lang si Enzo sa SWU gym. Ikaw muna ang maiwan dito." Sabi ko habang nagmamadaling inayos ang shoulder bag ko.
"Sasama ako!" Sabi nya.
"No, Phoenix. Maiwan ka na dito. Kaya ko na. Andyan lang naman ang SWU. Baba ka nalang sa baba para ma-supervise mo ang mga empleyado kapag nainip ka dito sa office natin." Sabi ko. Dito kasi kami sa taas sa office namin.
Napakamot na naman sya ng ulo. Diko alam kung mannerism na ba nya 'yan. Lagi kasi. "Sige, ikaw bahala, baby. Ingat."
Tumango ako. "Tawagan kita kapag kelangan ko ng tulong." Sabi ko saka sumenyas na aalis na.
Mabilis akong bumaba saka lumabas ng fastfood. Halos katabi lang naman ng SWU ang Jollibee branch ko kaya nilakad ko nalang. Buti nalang may botika dito sa tabi. Bumili agad ako ng ointment para sa muscle cramps para kahit papano ay mahilot ko ang binti ni Enzo.
Pagkabili ko ay pumasok ako sa SWU. Hindi ko na kailangang magpakita ng I'd dahil kilalang kilala ako ng guard. Hindi sa nagyayabang ako pero kasi nga anak ako ng may-ari ng school na'to.
Alam ko kung saan ang gym dito kaya lumiko agad ako. Madilim na sa ibang part ng SWU since out na ng mga estudyante. Madalas lang talagang naiiwan ay itong gym kahit anytime ay pwedeng mag-practice dito ang mga varsity.
Pagdating ko sa gym ay medyo dim ang ilaw. As in madilim. Sa may pinto lang may ilaw and sa loob, madilim na. Natakot naman ako. Baka mamaya, may mumu.
"Enzo?" Tawag ko. Nilabas ko na rin ang phone ko para matawagan ko siya in case na 'di ko siya matanaw. Ang dilim talaga. Di ko naman alam saan ang switch ng ilaw dito.
Walang sumasagot. Actually, sobrang tahimik dito. Nilibot ko ang tingin ko kahit 'di ko masyadong makita ang loob ng gym. Pero no sign of Enzo.
No choice. I need to call him para malaman kung saang banda siya dito. Baka kung anong nangyari na sa kapatid ko.
I'm dialling Enzo's number nang biglang may tumugtog.
Napalunok ako. Saan galing 'yun? Para kasing buong gym, sakop 'yung sounds. Hindi na natuloy ang pagtawag ko kay Enzo. Natulala nalang ako nang bumukas ang ilaw.
Buong gym. Hindi lang basta ilaw kundi medyo dim light at may mga shadow ng hearts sa paligid. Teka, anong meron dito?
Napansin ko ang table sa gitna. May dalawang upuan na magkaharap. Maganda ang design. Para siyang candle light dinner. Namangha ako. Ang romantic lang kasi.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko hanggang sa may bumukang tarpaulin.
CHYLEE HERA, I WOULD LIKE TO INVITE YOU TO A DINNER.
I am shocked. Yes. So para sa'ken 'to? Ako 'to? Naguguluhan ako pero at the same time nakakaramdam ng kiliti sa puso ko. Sinong may pakana nito?
Maya maya pa ay lumapit sa'keng lalaki. Naka-waiter attire siya at nilahad ang kamay niya sa'ken. Dahil nasa mood ako, tinanggap ko ang kamay niya at sumama sa kanya. Inihatid niya ako dito sa table at pina-upo. Diko alam bakit ganito ang nararamdaman ko. Wala pa akong idea kung sino ang may pakana nito kasi si Enzo ang tumawag sa'ken para papuntahin ako dito.
Speaking of Enzo. Napatingin ako sa phone ko at nakitang may message.
From: Enzo
Enjoy your dinner, Ate :)
-end-
So set-up 'to? At sino ngang may pak--
"Hera."
Napalunok ako for the second time. Iniisip ko palang kung sinong may pakana nito pagkatapos ay bigla nalang siyang sumulpot sa harap ko.
Wearing his casual attire, holding three stemmed rose. Also, he's wearing his sweet smile. Nakakainis ka, Prince Miko! Anong pakana na naman 'to.
Hindi tuloy ako makagalaw sa upo ko. Hindi ko mai-alis ang tingin sa kanya.
"You're my angel.." He said. Sinabayan niya 'yung lyrics ng kanta saka lumapit sa'ken.
Wala akong lakas tumanggi. Na-overwhelmed yata ako sa preparation na'to. Masyadong romantic ang ambiance at nanghihinayang akong sirain kahit hindi ko talaga gustong makasama 'tong si Prince Miko.
Inilahad niya ang kamay niya kaya inabot ko 'yun. Napatayo ako saka napansing mas lumiwanag sa mga bench ng buong gym. At naroon ang isang grupo ng mga lalaki na kumakanta. Effort. Shems. Nagawa niya 'to? Si Prince Miko Abellano?
Nang makatayo na ako ay binigay niya sa'ken ang stemmed rose. Tinanggap ko iyon. Parang nasa spell ako ngayon ni Miko. I can't say no. I don't have the guts to ruin this moment. I don't know why and I can't understand myself.
Nang maibigay sa'ken ang bulaklak ay niyaya niya ako sa gitna. Tumigil na ang sounds at napalitan iyon.
Seriously? Nata-touch ako sa music palang. Yung mga lalaki pa rin sa gilid ang ko.
I fell in love with you..
Nagsimula ang tugtog at nagsimula akong alalayan ni Miko na sumayaw. Yes, sweet dance. And dang! I can't say no. Diba basted na siya? At inis ako sa kanya? Pero bakit ngayon..bakit..
Feel na feel ko ang tugtog. Pakiramdam ko, nasa cloudnine ako. Lumulutang at tanging kami lang ni Prince Miko ang nag-e-exist. I can't believe this is happening. 'Yung kalmado lang ako kasama si Prince Miko. Hindi lang 'yon! Feel na feel ko pa talaga!
"Hera.." Nagsimulang magsalita si Miko. All I can do is to stare at him. I don't know what to say. Baka masigawan at masungitan ko lang siya. For sure masisira ang moment na 'to.
Nanatili akong nakatingin sa kanya. He's the same as Prince Miko na minahal ko. And now, gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil nararamdaman ko na anamn 'yung kakaibang 'dug dug' dito sa bandang puso ko.
Him. Staring at me like he is so inlove with me. May sincerity na mababanaag sa mga mata niya. And he's serious.
What the! I can't believe this. Tumagal ako, at hindi pa rin ako makapagsalita.
"Please. Let me love you. Let me show you how much you mean to me. And let me do the things like this just to prove to you that I really love you. And I'm willing to wait. Hihintayin kong mapatawad mo muna ako bago mo subukang buksan ulit ang puso mo sa'ken."
Hindi ko na napigilan. My tears fall. Hindi dahil masakit kundi dahil nata-touch ako sa sinasabi niya. Bakit ganito ako mag-react?
"Alam kong masama akong tao. Wala akong puso pero nasasaktan din ako Hera. Nasasaktan ako na kinamumuhian mo ako dahil sa katangahang ginawa ko noon sa'yo. Huli na pala nang ma-realize ko na mahal kita. Mahal na mahal. Pero hindi bale, gagawin ko ang lahat para maging karapat-dapat ulit sa'yo. And this time, I promise, I will never hurt you."
Pinunasan ko ang luha ko. Napatigil na kami dito sa dance floor. He lifted my chin up and looked at my eyes.
"I love you. Hindi mo kailangang magsalita. I know you're still mad at me. And I know na babasted-in mo na naman ako. So please, don't. Just let me do this. Let's eat our dinner. Then, ihahatid kita sa mansyon nyo. That's all I want."
Wala sa sariling tumango ako. Ngumiti siya. Ngiting minsan lang makita kay Prince Miko. And there, nagpatianod lang ako sa kanya.
He kissed me on my forehead at hinawakan sa kamay ko. Naupo kami sa table at nagsimula ng mag-serve ng food ang waiter na sumundo sa'ken kanina sa may entrance nitong gym.
Nagulat pa ako nang may mga lumagpak na heart shaped balloons sa palibot namin. Hindi ko in-expect na magagawa ni Miko 'to. Effort talaga.
Nagsimula kaming kumain. Nawala 'yung kaluluwa kong inis na inis sa kanya dahil ngayon, kumakain ako kasama siya sa iisang mesa. Wala akong binabanggit na kahit anong salita. Hinayaan at pinagbigyan ko nalang siya. Hindi dahil nasasayangan ako sa effort niya kundi 'yun ang gusto ng puso ko.
I'm doomed. What happened to me? Napapalambot na naman ba ni Prince Miko ang puso ko? Hindi ko na alam ang iisipin ko.
Maybe, I should enjoy this dinner with him. That's what my heart said.