“Did Tito Gustav called you?” Tumango na lang ako sa tanong ni Kionn saka itinuloy ang pag-aayos ng mga gamit sa bagahe ko. “To be honest, I just want to stay here forever Kionn. Hindi ko alam kung kaya ko ng bumalik sa Pilipinas.” Apat na taon na rin ang nakakalipas simula ng umalis ako at napagdesisyunang mag-aral dito sa Canada. Noong una, kulang na lang umiyak ako dahil gusto ko ng bumalik ng Pilipinas, ngayon parang ayoko ng umalis dito. Dahil siguro natatakot ako, malamang iyon nga. “Alam mo namang mahina na si Tito Gustav, gusto ka raw niyang makita na successful na,” sabi ni Kionn habang inaayos din ang mga gamit niya. Napabuntong hininga ako at tumingin sa glass wall, tanaw na tanaw ko ang mga sasakyan at mga tao sa ibaba na nakapanlamig lahat. Malamig ngayon sa Canada.

