Tahimik kaming pareho ni Gun, nandito na kami sa penthouse. Nakaupo lang kaminh pareho sa couch, natutulala pa rin ako sa lahat ng nangyari. “Sabi ko naman kasi sa 'yo, ilihim na lang natin kay Darcie! Kaya ko namang palakihin ang anak ko ng mag-isa!” Ngayon lang ako nakapagsalita pagkatapos ng ilang oras na pananahimik. Tumayo ako at hinarap siya. Naiinis ako sa kanya ngayon. “M-mahal mo naman pala si Darcie, bakit mo pa ako pinakasalan ha? Dahil buntis ako?! Akala ko matalino ka Gun, sinabi ko sa 'yo na ako na ang bahala sa anak ko! Nasaktan natin si Darcie dahil sa pagpapadalos-dalos mo!” Hindi siya nagsalita. Napabuntong hininga na lang siya at tumayo saka hinarap ako, nakipaglabanan siya ng titig sa 'kin. “Magpahinga ka na, pagod ka,” sabi niya saka hinawakan ang kamay ko at hin

