“Saan ka galing kagabi babaita?” Akmang papasok na ako sa kwarto ko nang marinig ko ang boses ni Kionn. Napalunok ako at kinakabahang tumingin sa kanya. Seryosong nakatingin siya sa 'kin habang nakapamaywang. Napakagat ako sa ibabang labi ko, para siyang nanay ko kung umasta. “Ahm, nag-inuman kami nina Kishy,” sabi ko at nagpeace sign sa kanya. “Ahh, pero hinatid ka na raw ni Raiken dito kagabi eh. Paano nangyaring ngayon ka lang umuwi?” Kinabahan ako sa tanong niya lalo na at seryoso ang mukha niya. “Ahm, n-nakitulog ako sa isang kaibigan,” pagdadahilan ko pa. Napataas ang isang kilay ni Kionn. “Ahh, kasi sa pagkakaalam ko... Ang kaibigan mo lang dito sa Pilipinas eh sina Raiken, Kishy at Darcie.” Napapikit ako ng mariin sa sinabi niya. “Ahm... A-ano, naggala lang ako kagabi, ahm

