Still 4 years ago...
"Serene, itutuloy mo ba talaga iyang binabalak mo?," ungkat sa kanya ni Cristy nang kasalukuyang silang nag-aayos sa comfort room ng kanilang academy.
"Of course!," agad niyang sambit bago nagpahid ng red liptint sa kanyang labi.
"May pagkasalbahe ka nga talaga Serene! Hindi ka ba naawa sa tao halos ilang buwan ka na ring sinusuyo at nilalagawan ni Teban!," turan pa nito.
"Hindi," tipid niyang sabi habang nakatitig sa malapad na salamin sa harap nila ni Cristy sa may wash stand area ng comfort room.
"Haist, aywan ko na lang talaga sa iyo, Serene!!! Goodluck na lang talaga sa karma mo!," paalala pa sa kanya ng kaklase.
"I don't believe in karma, bakit iyong iba diyan mas masahol pa ang ginagawang kasamaan hindi man lang tinatablan ng kidlat...hahahha," malakas na tawa niya.
"Wala na akong masabi, you are a certified b***h!," anas pa nito.
"Ooooopsss... not yet certified, hindi ko pa napapaiyak eh, wait and see later..hehehe," makahulugang sabi niya at itinaas pa ang kilay bago nauna ng lumabas sa comfort room.
Dalawang buwan na lang at magtatapos na ang school year at graduation na ng masugid niyang manliligaw na si Teban. Anim na buwan na rin itong walang palya sa pagpapakita sa kanya ng kabaitan at pagpupursige na masungkit ang kanyang matamis na oo.
Ngunit hindi iyon mangyayari. Asa pa si Teban sa kanya. Ang kawawang Teban na pinaglalaruan niya lamang at sinasamantalahan ang pagkakataon na tinutulungan nga siya nito sa school works and homeworks niya.
Hindi lang ito minsan nagpapalipad hangin sa kanya kung hindi ay nagtapat na nga ito ng pag-ibig sa kanya noong nakaraang buwan pero hindi niya ito binigyan agad ng kasagutan or inayawan agad dahil mas may malaki siyang plano.
Later, she will taste her greatest cruel pleasure. May malaki siyang pasabog kay Teban na sigurado siyang babaha ang luha nito sa pighating pagbasted niya mamaya dito. Masasaktan ito ngunit ito naman ay malaking kasayahan sa kanya.
Hindi na siya makapaghintay sa mangyayari mamaya. Sa wakas ay makakaganti na rin siya sa lahat ng pagkabuwesit niya kay Teban. Hindi siya halos malapitan ng mga boys dahil lage itong nakabakod sa kanya. Tuloy akala ng mga kaklase niya at halos lahat ng mga estudyante sa academy ay sila na.
Nagtitimpi lamang siyang magalit sa pagdilit-dikit, pagsama-sama at hatid sundo sa kanya ni Teban. Hindi lang dahil sa may utang na loob siya sa binata kung hindi ginagawa niya lang pakisamahan ito upang mas kanais-nais at pabor sa kanya ang pananakit niya sa damdamin ni Teban.
And that will soon happen this afternoon. Niyaya kasi siya ni Teban na magsnack sa labas mamaya pagkatapos ng kanilang klase ngunit sinabi niyang mas mainam kung manonood na lang sila ng movie sa video room mamaya pagkatapos ng klase nila.
Part kasi ng celebration month ng academy nila na tuwing pagkatapos ng klase nila ay may film viewing ng mga favorite nilang love stories. Maraming mga estudyante nga ang nanood sa two hour show dahil perfect na perfect ang ambiance para ka talagang nasa loob ng sinehan dahil sa laki ng screen.
Hindi naman sa tinotolerate ng academy ang mga romance movies than educational movies pero as part of growing up teenagers kailangan din daw nila maging aware about finding true love and learning to have a healthy relationships.
It is the perfect timing dahil handang-handa na ang video clips na pinaggawa niya about Teban at iyon ang ipapalabas mamaya. Nabayaran niya na ang operator ng videos upang imbes na love story ang ipalabas ay ang video ni Teban na siguradong mapapahiya ito.
Halos hindi nga niya naintindihan ang lectures ng teacher niya sa tatlong subjects niya sa hapon dahil sa sobrang excitement niya sa mangyayari mamaya. Sigurado siyang nasa labas na si Teban naghihintay sa kanya nang sa wakas ay nagbell na para sa end ng last subject nila.
Hindi nga siya nagkamali dahil malayo pa lang siya mula sa itaas ng palapag ng second floor building kung saan ang classroom ng sophormore students tulad niya ay nasa paanan na ng hagdan si Teban na matiyagang naghihintay sa kanya.
Sinadya niyang magpahuling lumabas upang maiwasan na ang panunukso ng mga kaklase niya pero bigo pala siya dahil ang akala niya ay nagsuwian na ang mga ito ay nandoon lang pala ang mga ito nagstandby sa balcony ng first floor upang abangan siyang makababa.
Napuno ng kantiyawan at hiyawan ang mga kaklase niya at iba pang estudyante sa kanila ni Teban nang makalapit na siya dito at inabot na sa kanya ang isang ponpon ng pulang rosas. Hindi niya mapigilang mamangha at makilig sa gawi sa kanya ni Teban pero hindi niya lang pinahalata dahil mas pumaibabaw pa rin sa kanya ang sabikang masaktan ito.
"Advance Happy Valentine's Day sa iyo, Serenity!," sambit pa nito ng sa wakas ay tinanggap niya sa kanyang mga kamay ang isang ponpon ng mga rosas na sa tingin niya ay isang dosena.
"Ayieeehhhh.... nakakakilig naman.... go... go... go... Teban," tili ng isang estudyante.
"Oiiii.... yes na Serene!!!! Huwag na pakipot sagutin muna si Teban, Serene.....heheheheh," hiyaw naman ng isa.
"Kiss muna si Teban Serene, bagay kayo...the beauty and the beast," pang-aalaska pa ng isang lalakeng estudyante na sa tingin niya ay hindi niya kaklase.
Pinandilatan niya ito ng kanyang mga mata at tinaasan ng kilay sa kanyang pagkainis na gusto niya na lang lisanin ang lugar dahil wala pa ring tigil sa kahihiyaw ang mga estudyante na tila nanonood ng live drama nila ni Teban.
"Let's go, Tebz, huwag muna lang silang pansinin," akay niya kay Teban patungo sa viewing room.
Tinaasan niya na lang lahat ng mga estudyanteng nadaraanan nila na tila kumukutya sa kanila lalo na kay Teban. Kahit naman siya ay nasusuka na rin siya sa kabaduyang pagmumukha ni Teban pero kinakaya niya lang dahil sa mas magandang plano para sa binata.
Alam niya pagkatapos ng araw na ito ay mapuputol na ang maliligayang araw ni Teban na kasama siya dahil lalayo na ito sa kanya.Sisiguraduhin niyang hindi na ito makakalapit sa kanya dahil diring-diri na talaga siya sa presensiya ni Teban na palagi na lang nakasunod sa kanya.
Pagpasok nila sa viewing room ay marami-rami na ring mga estudyanteng naroroon. Malaki ang viewing room, may kapasidad ng three hundred to five hundred katao ang puwedeng makapasok. Inukopa nila upuan na malapit sa harapan.
As usual, gentleman pa rin talaga sa kanya si Teban dahil bago pa siya nito pinaupo ay sinugurado muna nito na malinis ang bakanteng upuan na ibibigay nito sa kanya. She smiled evilly to him, hindi niya maalis sa isipan ang mangyayari mamaya pagkatapos makita ni Teban ang hinanda niyang pasabog sa binata.
Maingay na ang loob ng viewing room at nakabukas pa ang mga ilaw sa loob. May mga estudyante pang kakarating palang at naghahanap pa ng mauupuan. Hindi naman nagtagal ay biglang dumilim ang paligid at vilang lumamig ang buong paligid marahil ay itinodo na ang pagbukas ng airconditioner sa loob ng viewing room.
"For you, Serene," biglang baling ni Teban sa tabi niya na halos naaamoy niya ang paborito nitong pabango na hindi niya etype ang amoy dahil napakacheap at masakit sa ilong.
"Thanks," pasimple niyang inilayo ang kanyang ulo mula kay Teban dahil hindi niya talaga mapigilan ang sariling masuka sa amoy ng pabango nito.
Isang canned drinks at burger ang inabot sa kanya ni Teban. Tamang- tama gutom na rin siya. Bagama't nakasirado na ang mga ilaw ay hindi pa rin bumukas ang big screen. She hurriedly grabbed a bite of the burger and sip her drinks.
Maya-maya ay bumukas na ang big screen. Mga commercials pa ang ipinakita kaya't inienjoy niya muna ang snacks na bigay sa kanya ni Teban gayon din ito sa tabi niya. From her peripheral vision ay walang kaalam-alam ito sa plano niya dahil tatawa pa ito habang ngumunguya ng burger.
"Wooooowhoooooo....whoooo...whooooo.... movie na yan... movie na yan... movie na yan...," halos hindi na mgkamayaw sa paghiyaw ng mga estudyante ng halos iilang commercials ang pabalik-balik na nakasalang sa screen.
Tumahimik ang lahat ng nawala ang video ng commercials at biglang dumilim na naman ulit. Biglang may nagflash sa screen walang iba kung hindi ang close-up face ni Teban. Nakakatawa ito sa hitsura nito habang nagsasalita na kita ang malalaking ngipin sa suot nitong braces.
Marami pang video clips na sumalang sa screen na halos nakakatawa at nakakahiyang hitsura ni Teban na halos panglalait. Pinakita din doon sa videos ang mga mannerisms ni Teban na nakakahiya tulad na lang ang pagkalikot nito sa ilong, ang singhot ng sipon at pagdura kahit saan-saan na talaga namang nakakadiri.
Ang ibang vedios ay enidit niya na lang lalo na ang mga maruruming mannerisms ni Teban dahil gusto niya talaga itong mapahiya sa maraming estudyante. She looked at Teban's side, kitang-kita niya ang pangingilid ng mga luha nito sa mga mata ngunit kalmado pa rin ito.
Everyone in the viewing room are somewhat laughing with the craziness of the videos shown. Mga halakhak at katatawanan ang pumuno sa loob pati siya ay napapasali na rin sa katatawa. They are mocking, laughing and teasing about Teban's videos ngunit may isang estudyante ang biglang tumayo at nagpatigil sa pagplay ng video.
"f*****g s**t!!!! Turn-off that f*****g vidoes!!! That's bullying!!!Sinong hudas ang gumawa ng videos na iyan para gawing katatawanan ang isang tao without their permission and mostly walang kalaban-laban!!!," dumadagondong ang boses ng lalakeng estudyante na sa tingin niya ay senior student din na tulad din ni Teban.
"Serene, let's gooooo....please la---bas na ta---yo....," aya sa kanya ni Teban na basag na ang boses na tanda na umiiyak na ito.
"No way!!!," matigas niyang turan and deep inside her she is beeming with happiness, her cruel pleasure had succeed.