Her POV "Is my bridal car ready?," turan niya. "Yes, Serene, kanina pang handang-handa para sa bride, the guests are all in the church waiting for the lovely bride to come," anas pa ng taga-ayos niya. "Then let's go, I can't wait to see my groom in the altar waiting for me to say our I do," sagot niya rin na tumayo na sa pagkaupo sa harap ng malapad na vanity mirror. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa labas ng silid. Inalalayan naman din siya ng dalawang bekeng nag-ayos sa kanya. Nasa resort sila na pag-aari ng pamilya niya. Dito din gaganapin ang kanilang reception mamaya. Mas pinili niya ang church wedding kaysa sa suhestiyon ng mga magulang niya na magbeach wedding na lang. Takot lang siguro ang mga ito na humarap sa simbahan sa mga kademonyuhan na pinaggagawa ng mga ito at sa

