SHDWTB 1- MR. SAVIOR

1375 Words
4 years ago.... Serenity's POV "Oh, my gosh, oh my gosh, Serene, your lover boy is coming, ayeehhhh!!!," tili ni Cristy sa likuran niya. Abala siya sa pagsusulat ng homework nila sa notebook niya dahil nakaligtaan niya namang gawin ito kagabi. Subsob kasi siya sa kanonood ng paborito niyang koreanovela kung kaya't nakalimutan niyang gawin ang mga homeworks niya. She is a sophomore student in St. Anne Academy, isang prestiyosong paaralan sa kanilang probinsiya sa Bukidnon. Nagmamay-ari ang pamilya nila ng ekta-ektaryang lupain ng taniman ng pinya. Nabibilang nga siya sa pinakamayaman at makapangyarihang pamilya sa kanilang probinsiya. Bukod sa nagmamay-ari ang pamilya niya ng pineapple plantation ay main exporters din sila ng mga pinya sa iba't ibang bansa. Aside from that, may malaking kumpanya din sila ng mga produktong pangunahing sangkap ay pinya tulad ng sikat na pineapple juices at mga delatang prutas at kung ano ano pa. Dalawa lamang silang magkakapatid at namuhay ang pamilya nila ng malayo sa ingay ng siyudad.Mas gusto kasi ng mga magulang nila na mamuhay ng tahimik at malayo sa mga mata ng mapanuring mga nilalang. "Shhhhhhh... ano ba Cristy hindi ako makapagconcentrate ng mabuti ang ingay ingay mo kasi!," unat niya pa ng hindi pa rin matigil sa katitili ang kalapit niyang kaklase. Kasalukuyan kasi silang dalawa ni Cristy sa favorite spot nila sa malapad nilang school park. Mabuti na lang kasi na wala silang klase sa umaga dahil nagkaroon ng emergency meeting ang mga teachers sa academy. Kaya't nagkaoras pa siyang sagutin ang mga homeworks niya. Hindi naman siya nagpapatulong kahit kanino sa mga school works niya hangga't kaya niya ay siya mismo ang gumagawa. Ngunit nahihirapan talaga siya sa Algebra kahit anong pilit niya sa utak niya na masolve ang mga equations na binigay ng teacher nila ay hirap na hirap talaga siya. "Ayieeehhhh Serene, hayan na ang Savior mo, look oh....heheheheh," malakas na untag sa kanya ni Cristy na tila kiti-kiti na hindi mapakali at hinila hila pa ang likuran ng blusang uniporme na suot niya. "Si-no?," napatigil siya sa pagsusulat at lumingon sa likuran niya kung nasaan si Cristy. "Ayiehhhhh.... kinikilig na yernnnn...heheheeh," hindi magkamayaw na tukso nito sa kanya. "Hoy, Cristy, tumahimik ka nga diyan, baka sabihin ng tao kinikilig ako sa kanya, hindi ko siya gusto nuh," bulong na tanggi niya sa kaklase baka kasi marinig pa ng tinutukoy nitong papalapit na sa kinaroroonan nila. "Hep...hep...the more you hate, the more you love, kunwari ka pa eh, if I know gusto mo na rin siya, your knight in shining armor, your one and only savior," banat pa nito na lalong ikinainis niya. "Hindi mo ba talaga ako titigilan Cristy, ha? Sige ka hindi na kita ililibre ng ice cream mamayang uwian!," pananakot niya pa kay Cristy. "Huwag naman Serene, biro lang, sige mananahimik na ako, promise...hehehehe," bigla naman natigil sa pangangantiyaw sa kanya si Cristy at maya-maya ay nasa harapan na nila ang tinutukoy nito. "Hi, girls, may maitutulong ba ako sa inyo?," baritonong boses ng lalakeng pilit na minamatch ni Cristy sa kanya. Siya si Teban ang senior high school student, graduating na ito at ang lalakeng sumagip sa kanya ng mahulog siya sa malalim na canal ng plantation. Hapon na iyon at wala ng katao-tao. Nagsiuwian na ang mga trabahante sa taniman. Sinadya niyang pumunta sa taniman ng ganoong oras upang kumuha sana ng mga larawan na ang background ay sunset at ang malawak nilang pineapple plantation. Ngunit hindi niya inaasahan na madidisgrasya siya. Akala niya ay mamamatay na siya ng mga panahon na iyon. Sariwa pa rin sa kanyang alaala ang nangyari noong isang taon. Her parents went abroad for a business transaction when the accident had happened. Ang kuya Dane niya naman ay abala din sa pag-aaral nito, na graduating din noon sa high school. Mas gusto niya rin kasi namnamin ang mapag-isa at magmuni-muni sa biglaang pagbabago ng inakala niyang mapayapang pamumuhay dahil bago pa sumapit ang ikalabing-dalawang taon gulang niya ay binuksan ng mga magulang sa kanya ang madilim nilang pagkatao. Nauna ng nalaman ng kuya Dane niya ang madilim na pagkatao ng kanyang mga magulang. Tulad niya rin ay dose anyos din ito ng nalaman nito ang sekreto ng pamilya at magmula nga ng araw na nalaman nito ang katotohanan ay palagi na itong nakakatikim ng hagupit ng latigo mula sa mga magulang at kasama palagi sa mga ritwal ng pamilya at ngayon ay kasama na rin siya. "Ah...ikaw pala Teban, wa-la naman!Wala ka bang klase?Bakit naririto ka?," agad niyang usisa at pasimpleng sumenyas kay Cristy na manahimik ito. "Ah.... hi, hello, Tebz!!oi Serene anong wala? Buti pa Tebz tulungan mo iyang kaibigan ko sa assignment niya sa algebra, ikaw na gumawa at tumapos, okay ba sa iyo!," walang hiya-hiyang sabi ni Cristy kay Teban habang hinila nito ang hawak niyang notebook at iniabot agad nito sa pobreng si Teban. "Ahhh----ehhhh...i-yan lang pala, o si-ge ako na bahala dito Serene, no problems!," nangingiting sabi pa nito sa kanya na kitang-kita ang braces nito na nakakabit sa malalaki nitong mga ngipin. Bahagya siyang tumalikod upang hindi ipakita kay Teban ang pag-ikot ng kanyang mga mata. Gustong-gusto niya ng matawa at pati na rin masuka sa baduy nitong hitsura. Kung wala lang sana siyang utang na loob nungka niya itong papansinin o paglalaanan ng oras niya. Kaya lang ito lang ang natatanging lalakeng sumagip sa kanya at nagbuhis ng buhay upang makaligtas siya sa bingit ng kamatayan. She had no other option but to pretend to treat him good. Kaya lang naiinis siya dahil parang mas lalong mahirap na niyang iwasan si Teban dahil palagi na itong umaaligid sa kanya at parang kampanti na ito sa kanya at para ngang nagpapahiwatig na itong may gusto sa kanya. "Putik!!! Huwag naman sana," napapamura siya sa isipan niya. Hinding-hindi maatim ng butse niya na maging first boyfriend ang isang Teban na baduy at pangit na tila sinaunang tao. Ang pagkatupi ng buhok nito ay sinauna din na may bangs pa at may hati sa gitna. Nakasuot din ito ng makapal at malaking eyeglasses. At ang mas lalong ikinaiinis at ikinatutol niya dito ay ang fashion statement nito sa pananamit. Baduy at hindi marunong pumili ng kasuotan si Teban na palagi ngang bukam-bibig at pinagtatawan ng mga estudyante sa loob ng academy. Hindi niya alam ang totoong pangalan ni Teban at wala siyang planong alamin pa ito.Iilang buwan na rin na naging magkalapit sila ni Teban buhat ng pagsagip nito sa kanya ngunit pareho pa rin ang turan niya rito, nakikisabay lang siya sa agos at nakikipagplastikan lang siyang mabuti ang pag-iistema sa binata dahil ang totoo ay nandidiri talaga siya sa pagmumukha nito. "Oh yeah, narinig mo iyon Serene? si Teban na bahala, wow naman Tebz, salamuch naman diyan fren!," ngiting nanunukso sa kanya. "Thank you ban!," matipid niyang turan sa binata at pinandilatan niya ng mga mata niya si Cristy. "Walang anuman Serene basta para sa iyo gagawin ko ang lahat," wiling-wili na ngiti ni Teban sa kanya. "Ahmnnn...ehhhh...ehhhwww..., ah-eh, pasensiya na ban, nakalimutan ko pala may pinapaggawa pa pala si Mrs. Santa Cruz sa amin, maawian ka na muna namin," pasimpleng alibi niya upang makaiwas na makasama ang binata. "A-nong pi...?," bigla niyang sinupalpal ang bibig ni Cristy upang hindi na ito makapagsalita. "Hindi ba Cris may gagawin pa tayo,huh?," kumpirma niya sa kaibigan. "Ah...ehhh...oo nga pala nuh...heheeh...sige lover boy este Tebz, babushhhh....," hindi pa rin mapigil sa ngiti ni Cristy na tila ito pa ang may gusto kay Teban. "Ah...okay, mamayang tanghali ko na lang isasauli sa iyo Serene itong notebook mo," saad pa ni Teban. "Sige!," maikling sagot niya at nauna ng naglakad palayo. "Hoy, Serene, hintay naman," untag ni Cristy sa likuran niya. "Nakakainis ka talagang babae ka, ikaw siguro itong may gusto kay Teban, eh, ikaw pa itong kilig na kilig, eh!," busangot niyang katwiran ng makalayo layo na sila sa kinaroroonan ng binata. "Anong ako? Ikaw yata ang pinunta ng pobreng iyon, alalahanin mong siya ang savior mo kaya mainam lang na pakisamahan mo ng maayos si Teban!," paliwanag pa ni Cristy sa kanya. "Oo na pero over my dead body, hinding-hindi ako magkakagusto sa baduy at unghugin na iyon!!!," yakag niya na nauna ng naglakad papunta sa sophomore building nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD