Her POV Bagsak ang balikat siyang napahagulhol sa naggawa niyang pagpapaubaya sa estrangherong lalake na sigurado siya na iyon din ang halimaw na bumaboy at humalay sa kanya ng paulit- ulit. Ang pinagkaiba lang kanina ay hindi siya pumalag. Hindi siya nakahuma at gumanti siya sa init at pagnanasang sumiklab sa kanyang sistema. She was hypnotized by the enticing gentle mood of the man on top of her. Hindi niya sukat akalain na nakipagtalik siya sa halimaw na nagkatawang tao. Ang mga haplos nito sa kanyang balat ay kakaiba, may pag-iingat at pagtatangi na siyang nagpatangay sa kanyang wisyo at tamang pag-iisip. They made love with each other. It was not just s*x or pure pleasure. Ramdam niya ang nag-uumapaw na pagpaparamdam ng masidhing damdamin ng estranghero sa kanya. Ninanamnam ang

