Hindi ako makapagsalita at makagalaw sa sobrang gulat dahil sa hindi ko inaasahang panauhin. Parang biglang tumigil ang t***k ng puso ko at umurong na lang ang dila ko nang magtama ang mga paningin namin. She look so very happy seeing me again after years of being separated while I feel the opposite and looks very constipated. Nandito na siya. Nandito na ang tunay na nagmamay-ari sa kaniya. Ang totoong may karapatan sa kaniya. Ang natatanging babaeng nararapat sa kaniya. Ang babaeng ihaharap niya sa altar. Ang babaeng magiging ina ng mga anak nila at ang natatanging babaeng may karapatan na mambakod sa kaniya. Ang Ate ko. At ngayong nandito na siya ay wala na akong karapatan pa sa kaniya. Wala na akong karapatan na bigyan niya ng oras at atensyon. Wala na akong karapatan pa na alagaa

