Kaba, takot at panlalamig ang nararamdaman ko habang namumuo ang matinding tensyon sa pagitan naming apat sa mga oras na ito. Ang punong-puno ng tanong at pagtataka na mga mata ng kapatid ko ay palipat-lipat sa aming tatlo na ngayon ay natigilan at hindi maapuhap kung ano ang dapat sabihin at gawin. Naramdaman ko rin ang biglang pananakit ng tiyan ko at balakang na siguro ay dahilan ng malakas na pagkakabagsak ko sa sahig kanina pero ipinagsawalang bahala ko na lang at hindi ko na ito binigyang pansin dahil ang aming buong atensyon sa mga oras na ito ay nasa kapatid ko, na ngayon ay nababalot na ng mga katanungan at pagtataka. My heart beat fast in pace. Ito na ang oras na kinakatakutan ko. Ang confrontation. But on the other hand, it has to be now. Dapat niya nang malaman ang totoo

