THIRD PERSON STEVEN never expected that Marvin and Annalou knew each other. He was surprised to see them talking behind the chapel where there were no people. Nakaramdam siya ng inis dahil kakaiba ang kislap ng mga mata ng kaibigan niya kay Annalou. He didn't know what to call that feeling. He was just annoyed that Annalou was talking to another guy. Nakakainis at nakakairita. Hindi rin naman siya nakaramdam ng pagsisisi nang aminin niya na asawa niya si Annalou. Maganda nga iyon para hindi na niya lapitan pa si Annalou. Naalala niya pa no'ng araw na humingi siya ng advice sa kaibigan dahil sa kasal na gustong mangyari ng kanyang mga magulang para makuha ang kanyang mana. Noong una ay tutol siya sa bagay na iyon, dahil wala namang siyang nararamdaman na pagmamahal para kay Annalou.

