Chapter 20 - Sakay o Iiwan

1532 Words

ANNALOU KINABUKASAN maaga akong nagising dahil magsisimula na akong pumasok sa eskwelahan. Kagabi pa lang ay hinanda ko na ang mga gamit ko para sa school na binili pa ni Steven. Lahat ng gamit ko ay siya ang bumili. Naligo ako at nagbihis ng pantalon at white t-shirt. Wala pa akong uniporme, mamaya ko pa iyon makukuha sa school. Pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano'ng buhay ang haharapin ko sa loob ng eskwelahan na iyon. Sigurado akong mayayaman ang mga nandoon dahil isa ito sa kilalang unibersidad dito sa Maynila. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng aking silid. Napatingin ako sa kwarto ni Steven na katapat lang naman ng kwarto ko. Sarado pa at mukhang tulog pa siya. Sabagay alas sais pa lang naman ng umaga at alas nuwebe ng umaga pa nam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD