CHAPTER 27

1512 Words

Kanya kanyang mundo ang magkakaibigan. Nag uusap sina Luna at Ashley habang nagbabasa lang ng libro si Victoria. Si Mady naman ay pumuntang counter para mag order ulit. Nakatuon ang kanyang pansin sa binabasang libro habang panaka nakang sumipsip ng kape. Naririnig din niya ang boses ni Ashley na may sinasabi kay Luna. Bagamat naka-focus siya sa binabasa ay aware pa rin siya sa paligid niya. Naramdaman niyang may huminto sa gilid ng mesa nila, natigilan ang dalawa sa harap niya, binaba niya ang libro para tignan kung sino ito dahil alam niyang matatagalan si Mady sa counter dahil sa pihikan ito sa pagkain. Tumingala siya upang matigilan sa mukhang tumambad sa harap niya. Bumilis ang t***k ng kanyang puso, nagsimula siyang pagpawisan. "Sabi ko na nga ba dito kita matatagpuan." ani nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD