"Dominic," tawag ni Victoria. Nandito na sila sa parking lot ng isang hotel kung saan tutuloy ang lahat ng campers. Wala na silang susunod na gagawin pero naisipan nilang sa iisang hotel nalang mag check in para hindi na hassle. Tapos nang kumuha ng room si Victoria. Nakita lang niya si Dominic na hinihintay si Lavander habang kumukuha ng room. Sumingkit ang kanyang mata. Sa iisang kwarto matutulog ang dalawa. "Oh?" Napakamot siya sa kanyang kilay. Ang cold naman ng sagot nito. Kanina pa niya nahahalatang masama ang tingin nito sa kanya at hindi siya pinapansin. Napaisip si Victoria. May nagawa ba siyang hindi kaaya-aya dito? Sa pagkakaalala niya ay ok pa naman sila kagabi. Hindi naman sila nagusap kaninang umaga sa camp kaya anong problema nito? "May nagawa ba ako sayo?" diretson

