CHAPTER 22

2666 Words

“Ate, umalis na po si Papa? Work?” tanong ko pagkaupo sa upuan. Kakain na ‘ko nang breakfast kasi papasok na ako mamaya. Exam pa naman namin kaya maaga rin akong nagising pero hindi ko na naabutan si Papa. “Oo, Kim. Maaga na naman umalis.” Napatango na lang ako. Bakit ko pa ba tinanong ‘yon? Eh, alam ko nang dahil na naman sa trabaho ‘yon. Siguro nasanay na lang ako na hinahanap si Papa. Wala lang talaga akong pakialam sa business na hina-handle niya. Kahit na ang dami kong nakikita sa balita, iwinawaksi ko na lang sa isipan ko ‘yon dahil hindi ko naman alam ang katotohanan na nangyayari sa business world. Gusto ko kasing maging doctor, pangarap ko na ‘yon simula no’ng mawala sa buhay namin si Mama. “Nga pala, Ate. Nakausap mo na ba ‘yong Carlia na ‘yon? Kumusta?” naki-chika na ‘ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD