Dahil sa rebelasyong sinabi ni Mama, nagawa ko siyang iwan doon. Ayoko ng umabot na magsigawan pa kami roon. Malay ko ba na matagal niya ng tinatago sa ‘min ‘yon. Hindi ko naman alam na mahal niya pala talaga ang lalaking ‘yon. Humingi na lang ako nang tawad sa mga kapatid ko at sinabing next time ko na lang sila kikitain dahil nagkaroon ako ng emergency. Hindi ko kinaya ang mga sinabi ni Mama. Ipinamukha niya sa ‘kin na kasalanan ko. Wala naman akong kaalam-alam sa nangyari sa kanila noon, e. Pero bakit ganito? Pangarap ko naman ‘to at ito rin ang gusto ni Kimia para sa ‘kin. Bawal bang maging masaya naman ako? Dahil sa mga sinabi ni Mama, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. No, that’s not it. Ang totoo ay naguguluhan na ‘ko kung ano na bang gagawin ko. Magpaparaya na naman ba a

