Matapos ang eksenang nangyari kanina sa opisina ko ay nagmamaneho naman ako ngayon patungo na sa mansyon kung saan nandoon si Ama. I’m going there to talk to him about what he said to Mr. Ferrow. Hindi ko p’wedeng balewalain na lang ‘yon gayong may kinalaman si Ama kung bakit hindi natuloy ang matanda. I mean, yes, I am thankful that he did that, but how did he know? It’s too fast. “Yes, Jax?” sambit ko nang sagutin ko na ang tawag niya. “Hello, bro. Nasa unit mo na si Thyme. Hinayaan ko na lang siyang mag-isa ro’n dahil makikipagkita pa ‘ko kay Aria. I think he’ll be fine. Madami na siyang alam sa mga bagay, e.” Alam na ni Jax ang security sa unit ko kaya kapag may emergency, isa na siya sa makakapasok doon. Gano’n din ang gusto kong mangyari kapag nasa labas ng mata ko si Thyme k

