TO CARE Madaling araw pa lang umalis na ako sa Inn na tinutuluyan namin. Nag-message na lang ako kay Jax na mauuna na ‘ko dahil may klase pa ‘ko ng 7 a.m. Hindi na ‘ko p’wedeng um-absent ngayon dahil magkakaroon na raw ng discussion sa bawat naka-schedule na subject namin ngayong araw. Nakatulog ako ng maayos kagabi. Hindi ko alam kung bakit… pero siguro nga dahil na naman sa kanya. Inisip ko na lang si Kimia no’n kaya kahit papaano nawala sa isipan ko ‘yong mga problema ko. Mahimbing talaga akong nakatulog kagabi. Hindi rin ako ginambala ng mga panaginip ko. Pagkatapos kong mag-breakfast sa SB ay sumakay na ulit ako sa sasakyan. Kasalukuyan na ‘kong nagmamaneho papunta sa bahay nila Kimia. Susunduin ko siya… Gusto ko siyang sunduin para sabay na kaming papasok sa school. I want t

