Pagkagising ko ay napahawak na lang ako sa ‘king ulo. Nagka-hangover na naman ako dahil sa nangyaring inuman kagabi. Dahil pa naman kay Tito Viel, napainom ako nang sobra. Hindi ko na nga maalala kung ano ang mga nagawang kahihiyan o kamalian ko kagabi e— Maliban na lang no’ng nakausap ko si Ama! Pagbangon ko ay sinubukan ko nang alalahanin ulit ang nangyari kagabi habang minamasahe ko pa ang ulo ko. It’s about the moon. Bumaba na ako sa kama at nagtungo na sa banyo. Matapos kong maghilamos ay napatitig na lang ulit ako sa repleksyon ko sa salamin. “Kaya pala palagi na lang ako napapatingin sa kalangitan tuwing gabi,” sabi ko sa ‘king sarili at napatungo na lang dahil sa sandaling kirot na naramdaman ko sa ‘king puso. Natatandaan ko pa ang napag-usapan namin ni Ama no’ng pauwi na k

