“Iyan ang gusto ni Salvador.” Napapailing at napapa-buntonghininga na lang talaga ako sa mga nangyayari ngayon. Matapos kong basahin ang mga lugar na kailangan kong puntahan para sa campaign kung saan makakasama ko muli si Lianne ay tinapunan ko na nang tingin si Tito. “Oh. anong problema, Scott?” kunot-noo niyang sabi nang magkaharap na kami. Nakuha niya agad ang reaks’yon ko. Nandito ulit siya sa opisina, dumalaw para kausapin ako at ibalita ang mga ganap sa trabaho nila. “Ayaw mo ba kay Lianne? Akala ko pa naman ay type mo ang ganoong klase ng babae,” sabi pa ni Tito Viel na nagpailing na lamang sa akin. “Hindi pa ba obvious, Tito? Si Dad lang naman ang may gusto nito.” Pagbuntong-hininga ko. “Next week, start na ng campaign. Maiiwan ko ang trabaho ko at ayoko naman mangyari ‘yo

