Huminga ako nang malalim at saglit pang ipinikit ang mga mata. “I’m ready,” saad ko kasabay na nang pagmulat ng mga mata ko. “Just so you know, I don’t need your comfort or any validation about my feelings, Dr. Jane. Just tell me the truth or what you’re thinking, even if it will hurt me. This is my request. I hope you don’t mind.” Tumango na lamang siya at hinintay na ulit akong magsalita. “Alam ko sa sarili ko na hindi pa ako baliw, Dr. Jane,” panimula ko. I watched her reaction and saw that she was still serious. There’s no funny or laughing reaction as if she really wants to understand me. “Simula no’ng maaksidente ako ay tuluyang nagbago ang buhay ko. Lalo na’t nawala ‘yong mga alaala ko. Pakiramdam ko kulang na kulang ako at hindi ko pa ring mapigilan na hindi isipin kung ano

