Avery’s POV “Oh, ma’am easy lang po! Wala po’ng kasalanan ‘yang lapis at papel.” Nakangising sabi ni Gabriel habang naglalakad papunta sa aking mesa. Tamo nga naman. Nakapasok na pala si Gabriel nang hindi ko man lang namamalayan? Ano ba naman ‘to! Hindi ko na napapansin ang mga bagay-bagay sa paligid ko dahil lang sa pagkainis ko! Inirapan ko lang si Gabriel, which was first time kong ginawa sa kanya, at nagpatuloy sa pagsusulat ng mga bagay na dapat kong i-take note pagdating ko sa Tagaytay. ☑ Bring the draft. ⬜ Check the place. ⬜ Make sure that your plan fits to Raven’s taste. ⬜ Write the changes directly, if there are. ⬜ Inform Raven about the changes. ⬜ TAKE A TOUR AROUND TAGAYTAY! “Dammit!” Inis na sigaw ko nang maputol ang lead ng aking lapis! What the hell? Kapag minam

