"Huy, Enzo!"
Napalingon si Enzo upang tingnan ang may ari ng boses na tumawag sa kanyang pangalan. Nasa pasilyo siya ng eskwelahan at mag isang naglalakad patungo sa library upang doon hanapin ang research niya tungkol sa biology.
Ngunit paglingon niya ay walang tao na naroroon.
"Enzo!"
Lumingon ulit siya sa kanyang likuran pero wala pa din siyang nakitang tao doon.
Guni guni ko lang siguro ‘yon. Sabi niya sa isip at nagkibit balikat na lang.
Saktong pagbaling niya ay nasa harapan niya ang kaibigan na si Jacob, ngunit napansin niya na iba ang awra nito. Mukha itong malungkot, malalim ang mga mata at 'yung mukha niya ay maputi, hindi malaman ni Enzo kung putla o puti ang kulay nito dahil kayumanggi naman ang kulay ng balat ni Jacob pero hindi na niya pinansin 'yon.
"San ka nanggaling? hindi kita nakitang naglakad palapit sa akin ah!" Napakunot ang kanyang noo sa bigalang pagsulpot nito sa kanyang harapan.
"Saan ka ba pupunta?" Tanong lang nito sa at sumabay ito sa paglalakad sa kanya.
"Sa Library, do'n sa reasearch natin sa biology, nakakainis si Mrs. David eh, napaka hirap ng pinapagawa sa atin, to think na individual pa niya pinapa---"
"Hey Enzo, sino ang kinakausap mo?" Tanong sa kanya ni Yngrid na nakasalubong niya sa may pasilyo.
Banaag sa mukha ng dalaga ang pagtataka sa kanya. Bumaling naman si Enzo sa gawi ni Jacob ngunit wala ito doon sa tabi niya.
"Saan nagpunta 'yong taong 'yun?" Tanong niya sa sarili.
"Sino?" Kinabakasan ng takot si Yngrid at malaki ang mata na tumitig sa mukha ni Enzo.
"Si Jacob, kasabay ko siyang naglalakad eh,"
Napansin niya ang biglang pamumutla ni Yngrid at napaurong ito habang hindi pa din tinantanggal ang pagkaka tingin sa kanya. Nasa mukha pa din nito ang takot at pinagpapawisan siya ng butil-butil.
"Hey, Yngrid, are you okay?"
"H-hindi mo pa ba alam?" anas nito nang makabawi sa pagkabila.
"Ang alin?"
"S-si Jacob, w-wala na siya," patuloy niyang sabi.
“Anong wala? Eh kasama ko nga siya eh,”
“Enzo, wala na nga si Jacob ano ka ba! Kaninang umaga lang.”
Nagitla at naumid ang dila na di magawang makapagsalita ni Enzo. Tila natuklaw siya ng ahas sa kanyang kinatatayuan at hindi magawang makagalaw.
"Natulog daw siya, hindi na nagising, parang binangungot daw yata eh. Nadatnan na lang daw siya kaninang umaga sa kanyang kama na hindi na humihinga, kaya napaka imposible ng sinasabi mo na kasama mo s'ya ngayon. Enzo, patay na si Jacob."
Kinilabutan ang buong katawan ni Enzo at biglang humangin nang malakas, kasabay noon ay ang parang may isang boses na bumulong sa kanya na hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi nito, para itong latin words na sinasabi niya na hindi niya ma gets ang ibig niya'ng sabihin.
"Totoo ba 'yan Yngrid?" Tanong niya ng makabawi siya mula sa pagkagulat at pinilit na maging kaswal kahit na biglang sumama ang kanyang pakiramdam.
"Gagawin ko ba'ng biro ang tungkol doon? syempre hindi,"
Nagsimula na silang maglakad ulit, imbis na sa library ang tungo ni Enzo ay napagpasyahan na lang niyang sumama na kay Yngrid palabas ng campus dahil nag iba ang kanyang pakiramdam.
Pakiramdam niya kasi ay may kung anong mabigat ang nakadagan sa kanyang likod. Bigla din ang pagkirot nang kanyang ulo at pagsakit nito, pinagpapawisan din siya na nilalamig ang kanyang katawan kaya naisipan niya na ipagpaliban muna nag research niya at magpahinga na lang sa bahay.
"Hindi ka ba sasama sa lamay niya?" Tanong ulit ni Yngrid sa kanya.
"Kelan ba kayo pupunta?"
"Wala pang petsa, pinag uusapan pa lang namin nina Maxx," usal nito.
"Kailan daw ba ang libing?"
Nagkibit balikat si Yngrid.
"Ewan, wala pang exact date eh, hihintayin pa yatang makauwi ang Daddy niya, pero wait Enzo, totoo ba na si Jacob ang kasama mo kanina?"
Nakitaan na naman niya ng pagkatakot si Yngrid kaya minabuti niya na hindi na magsabi ng totoo.
"Hindi, baka namamalikmata lang ako kanina. Si Luigi 'yon."
"Luigi??" Napamaang si Yngrid sa tinuran niya.
"Paanong si Luigi e nakita ko na sinundo siya ng Papa niya kanina? nako Enzo, kung sino sino 'yang nakikita mong kasama mo ah, sabog ka ba?"
"Kalimutan mo na nga 'yon." Pumara na siya ng trycicle para makauwi na dahil talagang sumama ang pakiramdam niya pagkatapos niyang malaman ang balita ni Yngrid.
"Sige na Yng, mauna na ako, mag iingat ka pauwi."
Isang tango lang at kaway ang isinukli ni Yngrid sa kanya atsaka na humarurot ang tryk.
Habang lunan ng trycicle ay hindi pa din maiwasan ni Enzo na hindi mapaisip. Hindi pwede na namamalikmata lang siya kanina, dahil si Jacob talaga ang kasama niya, siya talaga ang kasabay niyang naglalakad sa may pasilyo ng campus.
Kaya pala bigla siyang bumungad sa harapan ko kanina, kaluluwa na lang ni Jacob ang kausap ko, at parang may nais siyang ipahiwatig sa akin.
Pagdating ni Enzo ay dumiretso siya sa kanyang silid. Mabilis niyang binuksan ang kanyang laptop at mabilis iyang tinipa ang keyboard nito at hinanap sa search bar ang salitang
"LUCID DREAMS"
Malakas ang kutob ni Enzo na ang pagsubok ni Jacob na makapasok sa Lucid dreams ang siyang posibleng dahilan kung bakit siya nawala. Pero ang hindi niya maintindihan e kung anong dahilan kung bakit namatay si Jacob samantalang ang process lang naman ng Lucid dreams ay ang kontrolin ang utak mo kung ano ang gusto mong mapanaginipan at kung saan mo gustong mangyari ang panaginip mo at sino ang gusto mong tao na mapanaginipan.
Napahinto si Enzo sa pag scroll at napaisip sandali.
"Hindi kaya may iba pang proseso ang kailangang gawin para maging matagumpay ang lucid dreams?" tanong ni Enzo sa isip niya.
Hindi pa nag uumpisang mag reasearch si Enzo nang marinig niya ang tawag nang kanyang ina mula sa ibaba.
"Enzo, Bumaba ka na diyan, maghahapunan na tayo."
|"Opo Mama, saglit lang po."
Mabilis niyang itiniklop ang kanyang Laptop at kumuha ng mga damit niya na pampalit sa kanyang kabinet.
Mamaya ko na lang itutuloy ang research ko sa lucid dreams na 'yan, ayokong makahalata sina Mama sakin.
Mabilis na naglinis ng katawan si Enzo at saka na bumaba at nagtungo sa komedor. Nadatnan na niyang kumakain ang kanyang Papa at Mama pati na din ang kanyang ate kaya tahimik na lang niyang dinaluhan ang mga ito at nagsalin nang sarili niyang pagkain sa kanyang plato.
"Alam mo na ba ang balita kay Jacob anak?" Tanong ni Mama n'ya.
Hindi siya sumagot. Sinulyapan lang niya ang kanyang Ina at patuloy lang siya sa kanyang pagsubo.
"Palaisipan ang pagkamatay ng batang 'yon, hindi ba't wala namang sakit 'yong kaibigan mo na 'yon anak?"
"Wala po Ma,"Tipid niyang sagot.
"Ang sabi Mama, binangungot daw eh, pero dinala pa yata siya sa ospital para malaman ang dahilan ng pagkamatay niya." Singit ni Angie na ate ni Enzo tapos ay bumaling sa kanya.
"Sayang si Jacob no? napaka bata pa niya para mawala. Kasing edad mo lang ba 'ya bunso?"
"Ahead siya nang one year sa akin Te, huwag na nga natin siyang pag usapan,' suplado niyang sabi sabay tuon ng atensiyon sa pagkain.
"Tama nga, kumakain tayo eh," Sabad naman ng kanyang Ama.
"Masakit kay Enzo na mawalan siya ng kaibigan, hayaan n'yo nga muna siya."
Madalas na nagiging masungit si Enzo sa kanyang pamilya lalo pa at may bumabagabag sa isip niya or kung may mga projects siya na inaasikaso. Kilala siya bilang seryoso at suplado at madalas ay nasa kanyang kwarto lang siya at nakakulong. Bahay eskwela lang siya, pero gano'n man, isa siya sa pinaka matalino sa kanilang school kaya nga na accelerate ito from grade seven to grade nine dahil sa angkin niytong katalinuhan.
Mabilis na tinapos ni Enzo ang kanyang pagkain. Nag toothbrush lang siya saglit atsaka na siya bumalik ulit sa kanyang silid at humarap na sa kanyang laptop.
Susubukan ko din na pumasok sa lucid dreams, Susubukan ko'ng hanapin si Jacob sa panaginip ko at tanungin sa kanya kung ano ang nangyari sa kanya. Pero bago 'yon, kailangan ko munang dagdagan ang aking kaalaman, ayokong magdesisyon sa isang bagay na hindi ko sigurado at baka pagsisihan ko habang buhay.