Mahiwagang Babae

1392 Words
Pagkatapos mag agahan ni Enzo ay tinawagan niya si Mitch tungkol sa naganap na naman sa kanya at ang nakita nang kanyang mga magulang. Labis na nabahala si Mitch kaya sinabi niya kay Enzo na puntahan siya nkito sa kanilang bahay. Mabilis naman siyang kumilos para kaagad siyang makadating sa bahay nina Jacob. "Hindi ako tulog nang mangyari 'yon Ate, gising ako, mulat ang mga mata ko pero gano'n ang nangyari... iba na eh, dati hindi ako natatakot, pero ngayon Ate Mitch...hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko." Kasama na niya ngayon si Mitch at magkatabi silang naupo sa may sala nila. "Hindi na maganda ang nangyayari sa'yo Enzo, hindi na sila tumitigil, hindi ka nila titigilan hangga't hindi ka nakukuha." "Kaya nga ate eh, halos hindi na ako makatulog. Sobra na silang nakakagambala, pati sina Mama natatakot na din.." Natulala siya kapagkuwan. "Baka isang araw makita na lang ako nina Mama na wala na akong buhay." "Enzo," Pabulong na tawag sa kanya ni Mitch, tila nangangamba ang kanyang mukha. "Bakit Ate?" Tanong niya. "Kung sakali man, handa ka ba na mag lucid dreaming ngayon? kase Enzo, sinasabi ko sa'yo, paubos na ang oras." Bakas man ang takot, ngunit maluwag na ngumiti si Enzo kasabay ng marahan niyang pagtango. Kagabi pa ay napagdesisyonan na niya ito. "Nakahanda ako anuman ang mangyari Ate Mitch, at 'yan lang ang hinihintay ko mula sa'yo.." "O sige,kung handa ka na, isa lang ang masasabi ko, focus ka sa panag---" "Enzooo!!!" Bigalng bumukas ang pintuan sa sala nina Mitch at iniluwa iyon ang ate ni Enzo na si Angie. "Angie!/Ate!" sabay na sabi ng dalawa. Humahangos na pumasok sa loob si Angie at nilapitan silang dalawa. "Ayokong gawin mo 'yan ng wala ako, Bunso, gusto kitang bantayan habang naglalakbay ka sa panaginip mo, para kung sakaling may ,mangyari.. gigisingin kita.." Mahigpit na yumakap kay Enzo ang kanyang Ate Angie atsaka ito umiyak. "Mahal na mahal kita bunso, huwag mo'ng hahayaan na mapahamak ka ha? Huwag mo'ng hayaan na kunin ka nila." Kinalas ni Enzo ang pagkakayakap nang kanyang ate at hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi saka pinunasan ang mga luha nito. "Huwag kang mag alala ate, dalawa kayo ni Ate Mitch ang gagabay sa akin, hindi ako mapapahamak, pangako ko sa inyo." Hinagkan niya pa sa noo ang kanyang Ate Angie bago bumaling kay Ate Mitch niya saka tumango na nagsilbing hudyat na mag umpisa na sila. Habang nahihiga at inaayos na ni Enzo ang kanyang posisyon at nasa magkabilang gilid ang dalawang babae na nagbabantay sa kanila, doon sa kwarto ni Jacob nila napili na gawin ang lucid dreaming. "Huwag mo'ng kakalimutan Enzo na dapat mag focus ka sa emosyon mo, panaginip mo 'yan okay? huwag ka'ng padaig sa takot mo,kapag sinugod ka ng halimaw, mag isip ka nang pwede mo'ng maisip upang mawala siya sa panaginip mo at malabanan mo siya, basta ulitin mo palagi, panaginip mo 'yan, hawak mo ang imahinasyon mo at magagawa mo lahat ng gusto mo." Pumikit na si Enzo, nagsasalita pa si Mitch pero unti unti ay na nawawala na ang tinig nito at parang may mga bumubulong na lang sa kanya. Naramdaman ni Enzo ang biglang pag ihip ng malakas na hangin. Minulat niya ang kanyang mga mata, hindi pa siya sigurado kung nasa lucid dreaming na siya dahil hindi naman nag iba ang kanyang paligid,ang iniba lang ay nawala ang dalawang babae na nasa tabi niya na sina Angie at Mitch. Sinubukan niyang pagdikitin ang kanyang daliri at diinan ito, pero nakita niya na tumagos lang ang magkabila niyang daliri. hudyat iyon na nasa lucid dreaming na nga siya, pero bakit tila yata hindi siya napunta sa isang madilim na lugar kung saan man naroon si Jacob. Nagsimula na siyang gumalaw, bakit tila nag iba yata ako? Iba ang pangangatawan ko? Tanong ni Enzo sa kanyang isip. Bakit parang nag matured ang itsura ko at nag iba ang tikas nang aking katawan? Ako ba talaga ito? Naglakad siya papalabas ng bahay, basta diretso lang siya'ng naglakad na tila ba may sariling isip ang kanyang mga paa na nagsasabi kung saan siya dadalhin nito. Hanggang sa ang isang pamilyar na lugar ang kanyang nadaan, hindi niya matandaan kung saan iyon pero may kung anong sumagi sa isipan niya na ang isang lugar na 'yon ay napaka memorable at may mga tao siyang nakikita na masayang naghahabulan doon ngunit hindi niya maalala ng detalyado. Nagpatuloy lang ulit siya sa kanyang paglalakad nang unti unti ay napapansin niya na padilim nang padilim ang kanyang tinatahak na daan. Nagsimula na siyang lukuban nang takot at pangamba nang sandaling iyon pero pinalis niya iyon sa kanyang isipan katulad nang sinabi ni Mitch na kailangan niya'ng kontrolin ang kanyang isip at pakiramdam. Hindi na alam ni Enzo kung nasaan na siya'ng lugar dahil madilim na ang kanyang tinatahak ngunit sa dulo ng kadiliman ay may liwanag siyang natatanaw. Sa pakiwari niya sa kanyang nakikita ay napakalapit lang nang liwanag na ito pero hindi, napakalayo niya na tila hindi siya makaabot abot kahit na ang layo na ng kanyang nilakad. Sa gitna nang kanyang paglalakad ay bigla siyang may narinig na umiiyak, isang iyak nang isang babae na tila naghihinagpis. Sa una ay isa lang itong simpleng pag iyak na napaka hina hanggang sa tila malapit na lang ito sa kanya dahil sa lakas ng boses ng umiiyak. "S-sino ka? B-bakit ka umiiyak?" tanong niya sa umiiyak na babae. Ngunit hindi sumagot ang babae at patuloy lang ang kanyang pag iyak. Dahan dahan siyang naglakad paroon sa kung saan nagmumula ang boses nang babae na umiiyak ngunit wala pa din siyang nakikita kahit na tila ang boses ay nasa tabi lang niya. "Miss? Bakit ka umiiyak? Nasaan ka ba pupuntahan kita." Sabi niya. Bigla ay may isang munting liwanag ang lumitaw sa kanyang tabi, saglit siyang nasilaw sa liwanag na nagmula sa paligid ngunit nawala din agad ang pagkasilaw niyang iyon. Napamaang siya at halos mapanganga siya sa kanyang nakita. Isang babae, isang babae na naka bestidang puti na napaka ganda at mala diyosa ang mukha na bumungad sa kanyang harapan. Hindi niya maiwasan na hindi mamangha sa kanyang nakita. Tila ito isang engkantada na kumikislap ang mukha nito sa kanyang paningin, at ang kanyang mukha ay tila isang anghel na sobrang inosente at ganda. Isa ba siyang diwata? napaka ganda niya... Bulalas niya na namamangha pa din. "M-miss? Ayos ka lang? A-anong ginagawa mo sa lugar na ito?"Tanong niya habang naglalakad palapit dito. Ang babae naman ay nag-angat nang kanyang mukha at dahan dahan na sumulyap sa kanya. Nang makita siya ng mahiwagang magandang babae ay nawala ang luha at lungkot sa kanyang mga mata at napalitan ito ng isang matamis na ngiti at tila pananabik sa kanyang mga mata. "J-Julio?!" Napatayo ang mahiwagang babae mula sa kanyang kinalalagyan at puno nang tuwa at kaligayahan ang namutawi sa kanyang mga labi. "Ikaw ba 'yan? Julio?? Julio mahal kooo!!!" Sa kasabikan ay patakbong lumapit sa kanya ang mahiwagang babae at nang makalapit ito sa kanya ay mahigpit siya nito'ng niyakap na muntikan pa silang mabuwal at hinalikan siya sa pisngi habang umiiyak. "Sabi ko na nga ba babalikan mo ako, salamat mahal ko!" Sabi nito habang yakap siya. Napakunot naman ang noo ni Enzo nang mga sandali na 'yon dahil sa hindi niya maintindihan ang dalaga, ngunit ang yakap at halik ng mahiwagang babae ay may hatid sa kanya nang galak at kurot sa kanyang puso na tila nagsasabi na may parte ang babaeng ito sa puso niya pero pinalis niya iyon sa kanyang isipan dahil hindi niya kilala ang babae na ito at ngayon lang niya nakita. Kinalas niya ang pagkakayakap ng babae sa kanya at tiningnan niya ito sa mukha na may pagtataka. "Miss? Pasensya na ah? Pero sino si Julio? Saka sino ka? Hindi kita kilala, hindi ako si Julio,ako si Enzo, 'yon ang pangalan ko, hindi Julio," Pagpapaliwanag niya. "Hindi maari, ikaw 'yan mahal ko, ikaw si Julio, hindi mo ba ako nakikilala? Ako to si Leonora, ang katipan mo." Tila kumirot ang utak ni Enzo na hindi niya maintindihan, may kung ano kasi na ala ala na biglang pumasok sa isipan niya, isang eksena na biglang nagpakita ngunit alam niya na ang lalaking iyon ay siya. "L-Leonora???" Ulit niya sa babae. "Katipan? Miss? hindi nga kita kilala."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD