Chapter 81 Gavin's POV Ang sakit nang ulo ko pagkagising ko sa umaga, napadami ako ng inom kagabi. Inabutan ako ng hating-gabi walang Maddison na lumabas. Natitiis na niya ako, hindi kagaya ng dati kapag alam niyang nagagalit na ako o nagtatampo sa kanya ay agad niya akong nilalambing at alam niya agad ang gamot para mawala ang himutok ko. Nagpa-araw ako dito ngayon sa burol tama lang ang sikat ng araw hindi pa masyadong masakit sa balat. Nakapikit akong nakaupo at nakasandal sa rocking chair. I filled up my lungs with morning fresh air. "Pinatawag mo daw ako," boses ni Denver. Nanatili lang akong nakapikit ramdam ko ang pag upo niya sa tabi ko,sa isang pang rocking chair. "Hingi ako ng pabor ulit,gusto ko sana ako ang maglakad pero naisip ko. Kapag aalis ako baka mawala ng tuluyan s

