Chapter 85 Gavin's POV Dumaan ang mga araw naging abala ako sa pagbuhos nang panahon at atensiyon sa mag.ina ko.Habang wala pang balita sa mga pinapaimbestigahan ko at salamat sa tulong narin ni Papa napabilis ang pagpapaimbestiga ko tungkol sa kakambal ni Gunner.Umaasa ako sa susunod na balita sa akin ay natagpuan na ang anak namin na babae. At isa sa ikinatutuwa ko ang pagiging suspendidong Gobernador.Nakakalungkot man pero naging pabor ito para sa akin, nagkaroon ako nang maraming oras para sa pamilya ko.Malaki rin ang naitulong ng presscon medyo tinantanan na ako ng mga hate speech,natigil narin ang pagpipiyesta nila sa akin sa balita gabi-gabi.Kahit paano nabawasan ang pasanin kung problema. Kasama sa bonding naming pamilya ay ang guluhin lagi ang kusina na dahilan na ikinabunga-n

