Ang sakit talaga umasa,maliit na bagay pero tagos sa puso ang sakit diko alam gagawin ko bahala nah.Pasukan ulit kinabukasan iniisip ko anu kaya gagawin ko kapag si Jay-r nakasalubong ko,diko kaya siya pansinin at pakinggan pag nag paliwanag,bakit ba ako nagagalit eh di nga kami eh isa nga po akong kaibigan lang ,ano bah dapat kung gawin? hahay bahala na nga.
Oa ako mag react noh? kasi naman eh bakit ba kasi ganito ang nangyayari bakit subra akong nasasaktan,?oh baka naman kasi nasanay ako sa atensiyong ginagawa niya sakin noong mga panahong kami lage magkasama.Hinatid kuna kapatid ko sa elementary dumaan kami sa may mga mahogany tree na preskohan ako pati utak ko, ang hangin kasi dun.Pumasok kana ha wag ka mag cutting classes tapos kung saan saan gagala uwi kana deretso,bilin ko sa kapatid ko,,oo ate kita nlang tayo sa bahay mamaya ha ingat teh! sabay talikod ko kasi dahan dahan na siyang lumalayo,iyan naman ang maganda sa kapatid ko kahit papano marunong din umintindi,mas magkasundo kaming dalawa kaysa sa kanila ni mama siguro dahil di naman sila ngkasama ng matagal,di kasi nagtatagal nanay ko kapag nauwi siya dito sa Pilipinas gusto kasi noon lage may trabaho.
Malayo palang ako papalapit palang ako sa gate ng school namin nakita ko si Alger hmmm may gusto sakin iyon lage nagpapalipad hangin c Alger kaso diko lang talaga siya ganun ka type pero kaibigan ko siya.Hi gel,musta na? hi Ger,ok lang naman ako ikaw kamusta na? hmmmm ok lang din ako Gel kahit papano nakakabawi na ng lakas,naaksidente kasi si Alger noong nakaraang buwan lang,mabuti naman kung ganun para dina mag alala mga magulang mo sayo,ingat ingat lage ha,Oo naman basta para sayo mag iingat ako gel, hay nku Ger ayan na naman mga palipad hangin mo tama nah makuntento ka na magkaibigan tayo.Hahaha sige na nga darating din ang panahon oo sagot mo sakin hihintayin ko iyon Gel,,,,,!!!!!!
Ganyan si Alger lage sakin madalas nga iniisip ko sana siya nalang iyong gusto ko sana siya nalang minahal ko,may tumapik sakin habang iyan ang mga iniisip ko, nilingon ko ang nasa likod si Jay-r,nag smile ako wala akong nagawa pero nagtatampo ako diko alam anu gagawin ko para bang na corner ako ng panahon ayoko siyang makita at makausap ngayon kasi nagtatampo talaga ako eh kaso bakit ganun mas nanaig parin iyong pagka gusto kung marinig ang paliwanag niya kung bakit di na siya bumalik,kahit alam kung mas mahalaga naman talaga na samahan niya si Marian kaysa sakin,pero gusto kung marinig galing sa kanya na may halaga din ako at kailangan ko ng paliwanag niya,pero di na ako nagtanong tinanguan kulang siya at umalis para umiwas sana pero hinabol niya ako at nagtanong kung galit ba daw ako,sabi ko hindi bakit naman ako magagalit si Marian iyon eh ako lang to na mas kailangan siya ng girlfriend niya kaysa sakin,pero habang sinasabi ko iyon gusto ko ng maiyak diko na kayang kaharap siya kaya umiwas na ako at nagdahilan nalang ako na may naiwan ako kahapon ng kung anong bagay na kailangan kung puntahan agad para lang mawala sa paningin niya kasi subrang sakit nah...
Hinayaan niya akong umalis pero diko na mapigilan isa isa ng pumapatak ang luha ko diko na mapigilan kaya nag cr muna ako nag lock sa cubicle diko kayang harapin ang bestfriend ko ngayon kasi nasasaktan ako sa mga bagay bagay na nagbago mula ng dumating sa buhay niya si Marian.Hindi ako galit kay Marian believe me naiinggit lang ako sa kanya kasi mahal na mahal siya ni Jay-r,naiinggit ako kasi di siya nag effort pero kusa siyang minahal ng bestfriend ko,ako kaya kailan mangyayari sakin iyon, mangyayari kaya iyon?aasa ba ako o hahayaan nalang sila at lalayo nalang ako.
Hi Angel kamusta ang kaibigan kung maganda si Goldie mataba siya matakaw kasi eh pero mabait subra nakakatuwa siyang kasama dika ma boboring,,,,,Ito ok lamg naman kahit papano mataas naman nakuha ko sa exam sabi ko, hay naku di naman iyon ang kinamusta ko iyang puso mo kung kamusta na kasi parang matamlay siya eh parang may kulang sa kanya na bagay para maging makulay hahahaha,,, napaka matalinghaga talaga ng babae nato kung magsalita akala mo talaga eh alam lahat na mga nangyari sa mundo este sa buhay ko pala hahahah,,Gaga ka talaga umayos ka nga Goldie anong pinag sasabi mo stress lang ako alam mo naman ang hirap ng exams natin diba finals kaya iyon after ng clearance natin magbabakasyon muna ako nakaka stress mag aral buti nalang 2 months vacation noh,? weee iyon bah talaga oh stress ka kasi iba na kasa kasama dina ikaw na bestfriend kuno hahahaha kasi Gel dati mahirap din naman ang exams pero di kita nakitang ganyan ka stress bakit kaya? Hay naku Goldie tigilan mo ako meryenda nalang tayo samahan mo ako sa canteen libre kita.. sige sige bet ko iyan,tara nah..
Maghapon kung di nakita si Jay-r nun mula nong huli kaming nag usap nakaraang araw lang,diko alam anu nangyari sa kanya sa kanila pero pareho silang diko na nakikita ilang araw na,mas ok naman iyon sakin gusto ko alamin kasi nag alala narin ako pero naisip ko mas ok na ata na wala akong alam sa mga nangyayari sa kanila eh mas natatahimik ako.
Nag clearance na ako bagay na kinaiinisan ko kapag patapos ang taon,,iniisip ko bakit pa kailangan iyon eh dun din naman kami papasok ulit,, sana saka nalang ang clearance kapag magtatapos na sa highschool diba! pero iyong taon taon ka nlng ganito nakakapagud kasi halos lahat ng teacher pahabol pa nakakainis talaga paimportante masyado porket kailangan mo sila,isa pang nakakainis kailangan mo sundin utaos nila kundi dika nila pe pirmahan kainis diba?
Nagpa sign ako ngayon sa huli kung subject teacher pagkatapos nito ipapasa kuna to kay Mrs. Samorano hihintayin ko kung may kulang paba ako para magawa ko at atat na ako sa ina asam asam kung bakasyon,lalayo muna ako kasi pakiramdam ko bibigay na ako sa sakit eh.Pumunta ako sa room sabi ng kaklase ko may emergency daw si Mrs. Samorano kaya biglang umalis,bukas ko nalang ito ipapasa sa kanya,ayokong iwan ang clearance ko baka may kulang pa ako eh atleast pag ako nagbigay talagang cleared ako,umuwi nalang muna ako babalik nlang ulit ako bukas.