Kasulukuyan silang nasa club dahil doon sila nag-celebrate ng kaarawan ni Ivo. Nakasuot siya ng simpleng dress na fitted. Iilan lamang ang inimbitahan ni Ivo kaya kukunti lamang sila sa mesa. Naroon ang mga kaibigan ni Ivo pati ni Shania. Naroon din sina Amy at Vanessa na hindi rin nagpahuli. Nasa pinakadulo silang tatlo dahil sa totoo lang sampid lang naman sila roon. Ayaw pa sana niyang pumunta subalit nagpumilit ang dalawa pati na si Manang na sumama sa dalawang mag-asawa. Si Ivo naman ang nag-insist kaya wala siyang magagawa, birthday boy eh. “Sino naman itong mga magagandang dilag na kasama niyo Ivo? Ipakilala niyo naman kami lalo na iyong babae sa dulo?” masiglang saad nong isang lalaki. Siya iyong kuwela sa barkada, napapansin niya. Kumindat ito sa kaniya kaya bigla siyang nailang

