Biglang nagulat si Gianna dahil sa paglabas ng kanilang anak. Hawak-hawak niya ang pisngi na ngayon ay humahapdi dahil sa ginawang pagsampal ni Ivo sa kaniya. Hindi niya alam kung ano nga ba ang kasalanan niya, nagsasabi lang naman siya ng totoo at hindi man lang naniwala si Ivo. Ano nga ba ang laban niya? Sana kumuha muna siya ng ebedensiya bago man lang sinabi niya sa lalaki ang totoo. Pero umasa siya sa CCTV na ngayon ay wala ng silbi dahil hindi man na-record doon ang kahalayang ginagawa ni Shania kasama ang kabit niya. “Mom? Ba’t ka sinaktan ni Dad?” naiiyak na tanong Gavin. Agad siyang lumapit sa kaniyang kambal at niyakap sila. “A-Anong ginagawa niyo r-rito? Hindi ba natutulog na kayo? May pasok pa kayo bu-bukas…” Bigla siyang nakaramdam ng sakit dahil sa nakikita niyang awa at

