After 5 years...
Ngayon ang 4th birthday ng aking kambal. Pinangalanan ko silang Avery Gail and Gavin Miguel Vontobel. Hindi naman ako gano'n ka-selfish para sa mga anak ko na kahit apelyido pa ng ama nila ay hindi ko pa maibigay.
Kilala rin nila ang kanilang ama ngunit sa picture nga lang. Alam din kasi nilang may ibang pamilya ang ama nila, they knew everything at naiintindihan naman nila iyon. Matatalino kasi ito kaya sobrang saya ko dahil hindi sila pareho ng mga bata na gustong-gustong makita ang kanilang ama at kung ayaw masunod ay nagrerebelde na. Pinalaki ko silang may mabait, marespeto at may takot sa Diyos.
"Nanay! Excited na po akong pumuntang Mall of Asia! Salamat po, nanay!" masiglang saad ni Avery Gail sa akin na ikinangiti ko. Malambing na bata si Avery Gail subalit si Gavin Miguel naman ay tahimik t suplado manang-mana sa kanilang ama.
"Syempre birthday niyo ngayon at pinaghandaan talaga ni Nanay ang pagpunta natin doon, maglalaro at manunuod tayo ng sine kasama si Tiya Sabel! Gusto niyo iyon?" na-e-excite ko ring saad sa kanila. Yumakap naman sa akin si Avery at ngumiti lamang ag kaniyang kambal.
"Nanay bakit po ang tahimik ni Gavin? Ganiyan po ba talaga siya? Mukha siyang si Tatay sa T.V., siguro nagmana siya kay Tatay," inosenteng saad ni Gail sa akin.
Tumawa naman si Tiya Sabel na kasalukuyang nagma-make up. Hanggang ngayon ay fresh pa rin ang Tiya ko, isa na rin siyang Manager doon sa club na dati kong pinagtatrabahuan. Nag-level up na nga ang Tiya. Good for her.
"Oo,hija. Ganiyan na ganiyan ang tatay niyo! Tahimik at suplado," natatawang sambit ni Tiya Sabel.
"Nanay kailan kaya namin siya makikita ni Gavin? Sana makita na namin siya at mayakap kahit iyon lang," malungkot na saad ni Avery.
Napatingin naman ako kay Tiya Sabel, gusto ko na ring ipakilala sila sa ama nila dahil nangangamba na rin kasi ako kapag umatake ang sakit ni Avery. Kagaya noong unang atake niya, halos simot na simot lahat ng ipon ko sa bangko ko dahil sa gamot at gastos sa hospital. Hindi ko na rin alam kung saan kukuha ng pera kung sakaling umatake na naman ang sakit niya. Mayroon kasing sakit sa puso ang aking anakat hinihika rin ito.
"Malapit na anak, huwag kayong mag-alala gagawa ang nanay ng paraan para ma-meet niyo ang tatay niyo," pangako ko sa kanila.
"Salamat, Nanay! Tara na punta na tayong Mall of Asia, iwan na natin si Tiya Sabel ang tagal niyang magpaganda eh," nakangusong saad ni Avery na ikinatawa namin.
"Oo na, ito na po, tapos na kamahalan!" natatawang saad ni Tiya sa anak ko.
Nang makapunta kami sa Mall ay agad kaming pumunta sa sinehan para manuod ng bagong pelikula. Cartoons ito at iyon ang paboritong character ng kambal. Sakto sa kanilang birthday ang airing.
Hanggang sa natapos namin ang movie at pumunta kaming Jollibee para kumain. Nang matapos kaming kumain ay umupo muna kami sa roon sa isang bench. Si Tiya naman ay pumunta munang Department Store para bumili ng kaniyang gamit. Naiwan kami ng kambal.
Mayamaya ay agad akong nakaramdam ng pag-iihi kaya pumunta kaming C.R. kasama ang aking kambal. Iniwan ko muna sila sa labas ng cubicle dahil hindi ko naman sila mapapasok sa loob ng C.R. dahil hindi kami magkakasya, hanggang sa natapos ako at binuksan ko ang pinto ng cubicle para lumabas. Ngunit laking gulat ko nang hindi ko makita ang dalawa kong anak sa harapan ng pinto. s**t!
"Tiya, nawawala po ang kambal!" hagulhol kong saad kay Tiya Sabel.
"Ano? Akala ko ba nag-C.R. lang kayo? Paanong nawawala ang kambal?" tanong niya sa akin habang hagod-hagod niya ang aking likod dahil sa sobrang iyak.
"Hindi ko po alam, nalingat lang po ako nawala na sila—" Biglang naputol ang aking sasabihin nang makitang may pinagkakaguluhan ang mga tao sa di kalayuan. Kita ko ang nakahadusay na batang babae at walang malay; ang isang batang lalaki naman ay umiiyak na nakayakap sa kaniya. Kita ko ang pamilyar na suot ng aking kambal. Oh My God! My babies!
Agad akong kumaripas ng takbo sa nagkukumpulang tao at nakisiksik doon.
"Oh God! Mga anak anong nangyari?" naiiyak na tanong ko at binuhat si Avery na walang malay.
"Mama! Sorry po, tumakbo po kasi kami ni Avery para sundan ang Papa namin!" iyak niyang wika sa akin at niyakap ako sa binti. Napakunot ako ng noo, anong pinagsasabi niyang papa? Hindi ko naman pinapakilala sa kanila ang papa nila.
"PAPA!" Agad na kumalas si Gavin sa pagkakayakap sa akin at yumakap sa isang lalaki. Binuhat niya naman ang bata at nanindig ang aking balahibo nang makita ang pamilyar na mukha ng lalaking kaharap ko. Biglang tumibok ang aking puso nang seryoso itong nakatingin sa akin. Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Hindi ito ang panahon para mag-reminisce. Kailangan kong idala ang aking anak na si Avery sa Hospital.
"Halika na, Gavin. Kailangan nating pumunta ng hospital. Hindi iyan ang papa mo," seryoso kong saad sa aking anak ngunit umiling lamang ito.
"Sumama kayo sa akin. I have a car mas mapapadali ang pagpunta ninyo sa hospital." Bigla niya namang kinuha si Avery sa akin. Ngayon ay dalawa na ang buhat niyang bata. Nanlalaki naman ang aking mga matang nakatingin sa likod niya. Hindi ko akalaing kaya niyang buhatin ang dalawang kambal. Naramdaman kong namamasa ang aking mga mata dahil sa nakikita ko.
"Wait—" bigla naman niyang pinutol ang aking sasabihin .
"Shut up! Hindi ito ang panahon para mag-usap." Napabuntong hininga ako, alam niya ba na anak niya ang dalawa? Hindi maipagkakaila iyon dahil nagkamukhang-kamukha sila ni Gavin. Damn! Dumating na ang kinakatakot ko. Paano kung kunin niya ang kambal sa akin?
Ilang minuto lang ang byahe nang makapunta kami sa hospital. The doctor checked my daughter at kasalukuyan pa siyang nasa loob ng kwarto. Narito kami sa labas, mayamaya lamang ay lumabas na ang doctor.
"Kumusta ang anak ko, Doc?" tanong ko. Napahangos ng malalim ang doctor at tiningnan ako ng seryoso.
"She's okay misis. Napagod lang siya, dahil mahina ang kaniyang puso. Ngunit, kailangan siyang ma-monitor dahil may nakikita akong butas sa kaniyang puso. I'm sorry to say this misis, may sakit sa puso ang inyong anak." Hindi ako nakapag-react agad mayamaya ay bigla akong napahagulhol. Oh God! My baby, ang bata pa niya para magkaroon ng sakit na ganito.
"Kailangan siyang operahan sa lalong madaling panahon. Hindi biro ang lagay niya, misis isang atake pa sa puso ay baka iyon na ang ikawala ng buhay niya. Mauna na po ako at marami pang nakapilang pasyente." Tumango naman ako sa kaniya at naupo na lamang sa sahig.
Ang baby Avery ko! Kailangan ko siyang ipagamot ngunit wala akong sapat na pera para roon. Saan ako kukuha ng pera? Isa lang naman akong hamak na manager sa isang Cafe malapit sa amin. Sobrang sakit sa pakiramdam nang malamang may sakit ang anak mo, sana ako nalang. Sana ako nalang ay may sakit sa puso. Hindi deserve ng baby ko ang ganito. Rinig ko ang pagtikhim sa aking harapan.
"Let's talk," saad niya sa akin. Tiningnan ko naman si Tiya Sabel na hawak-hawak ngayon si Gavin. Tulog na tulog na ito. Tinanguan niya ako na para bang sinasabing siya na muna ang bahala sa kambal.
Sinundan ko si Ivo, huminto kami sa isang garden dito sa hospital. Mabuti na lamang at walang tao rito.
"I know you are Gi. Huwag ka nang magkaila pa, I investigated you. The last time I saw you in the Cafe four years ago, ay agad na pinaimbestigahan kita at confirm ngang ikaw ang babaeng stripper na kasama ko dati," seryoso niyang saad sa akin.
Wala akong masabi, bakit hindi niya man lang ako hinanap at binalikan ulit? Oo nga pala, kinasal an siya.
"Now, I'll ask you one question, sana sabihin mo ang totoo, sa akin ba ang kambal? Ako ba ang ama nila?" tanong niya sa akin. Biglang nanigas ang aking katawan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ito na, kapag sinabi kong ang totoo, matutulungan niya ako sa pagpapagamot kay Avery ngunit natatakot ako na mawala sa akin ang kambal baka kunin sila ni Ivo sa akin.
Kapag magsisinungaling naman ako baka mawala ng maaga ang aking anak hindi ko ata iyon kakayanin.
Huminga ako ng malalim at pinikit ng mariin ang aking mga mata. Para sa anak ko gagawin ko, kahit na mawalay sila sa akin ay okay lang. Basta mailigtas lang sila sa kapahamakan. Minulat ko ang aking mga mata at tiningnan siya ng seryoso.
"Oo, anak mo nga sila." Kita ko ang pamamasa ng kaniyang mga mata at biglang nagbago ang kaniyang ekspresyon napalitan ito ng poot at galitt.
"Pagagamutin ko ang aking anak kapag gumaling na siya, sa akin sila titira and I want you out of our lives."
Sa pagkakarinig noon ay nawasak ang aking puso. Bigla akong napahagulhol at napaupo sa sahig. Wala akong magagawa makapangyarihan siya, ito na nga ba ang kinakatakutan ko. Napaluhod ako sa kaniya.
"Parang-awa mo na, Ivo huwag mo silang kukunin sa akin. Hindi ko kayang mawalay sa kambal, sila ang buhay ko," hagulhol kong iyak sa kaniya ngunit tinulak lang niya ako.
"Huwag mo akong dramahan diyan, Gianna. Niloko mo ako at itinago mo ang kambal sa akin. Dapat lang sa'yo iyan," saad niya at umalis na sa aking harapan, sabay ng pag-alis niya ang pagkawasak ng aking mundo.