Kabanata 31.2 "Nanay! Ang ganda ng dagat, oh! Rito po tayo, langoy tayo roon!" masiglang sigaw ni Avery sa kan'ya habang hinihila siya ng bata kung saan. Nasa likod din nila ang dalawang mag-ama na kasalukuyang naglalakad at nakapamulsa. Tanging bikini lang ang suot niya't iyon ang nadala niya wala siyang choice kung 'di iyon ang isuot niya, alangan namang magpantalon siya eh nasa beach sila, baka pagtawanan lamang siya ng mga tao roon. Mabuti na lang at may baon siyang floral cover up dress kahit papano ay natatakpan nito ang katawan niya. Ilang oras din silang nagbabad sa dagat, hindi mapalis ang kan’yang ngiti sa labi nang makitang tuwang-tuwa ang kan’yang kambal. Maluha-luha niyang tinitigan ang mag-aamang nasa harapan niya’t naglalaro. Ang pangarap niyang makita ang mag-aa

