Naalimpungatan ako dahil sa tama ng sikat ng araw. Pinilit kong imulat ang mga mata ko ng hindi ko maramdaman ang dalaga sa tabi ko. Kaagad akong napabangon ng hindi ko ito nasilayan sa tabi ko. Nilibot ko ang paningin sa loob ng kuwarto ngunit wala ito. Halos matumba pa ako sa pagmamadaling makatayo para lang makalabas sa kuwarto. "Baby.." pagtawag ko. Ngunit walang sumasagot. Tiningnan ko sa living room, kitchen, bathroom or sa closet pero wala ang dalaga. Kaagad kong tinawagan ang pinsang si Hanna. "Yes, my dear kuya?" "Nandiyan na ba si Abe? Pumasok ba siya?" tanong ko. "Oh my! You mean, diyan siya natulog sa iyo ku--" "Answer my question Hanna," mariin kong wika dito. Wala ako sa mood makipagkulitan dito. Ang iniisip ko, kung nasaan ang dalaga. Alam kong masakit pa ang p******

