Hindi ko naiwasang titigan ang mukha ng dalaga habang payapang natutulog. Hahaplusin ko sana ang makinis at maamo nitong mukha ng kumilos ito ng kaunti dahilan upang maibaba ko ang kamay ko. Napangiti akong mag-isa habang nakatingin dito. Gagawin ko ang lahat makuha ko lang ang puso mo. Kasalukuyan kaming nasa private plane papuntang Singapore. Mayroon akong business meeting at syempre kasama ito. Napatitig sa akin ang dalaga. "Yes, Abe. May gusto ka bang sabihin?" tanong ko rito. Kasalukuyan na kaming nasa loob ng Condo na pag-aari ko. "Tayong dalawa lang ang naririto?" tanong nito habang inililibot ang tingin sa kabuuan ng bahay. "Yes. Is there something wrong?" tanong ko. Bigla naman itong napalingon sa akin at tumingin na para bang sinasabi ng mga mata nito na dapat ko p

