Napangisi ako ng masilayan ang mga baliw kong kaibigan. "What's up bro?" tanong ng mga ito sa akin. Nasa opisina kami ng mga oras na iyon. Sila kasi ang unang nakaalam sa plano kong pagsusurpresa sa babaing mahal ko para mag-propose dito. "Congrats bro, ah. Naunahan mo pa kami. Iba talaga ang matinik sa babae eh!" wika ni k**i. "Wagas na pag-ibig! Hindi talaga sinukuan ang reyna niya," sambit naman ni Carl na nasa tabi ko lang. Tinapik pa nito ang balikat ko. "Ilang taong nagkawalay, sa simbahan din pala babagsak. Pinahirapan ka lang pala ng baby mo," nangingiting wika ni Bien. "Well, deserve iyan ng womanizer nating kaibigan. Dahil kay Miss Abe, tumino din sa wakas," wika ni Carl na tumawa pa. "Eh kayo, kailan niyo balak tumino?" banat ko naman sa mga ito. Nagsitahimik naman ang m

