Kaagad akong napangiti ng masilayan ang guwapong mukha ng binata. Ini-angat ko ang dalawang braso ko tanda nang pagsalubong ng yakap dito. "Hi baby," nakangiting wika ko. "Hmm, ang sweet naman yata ng baby ko ngayon ah," nakangiting wika nito sa akin. Hinalikan din nito ang malaking tiyan ko. "Syempre, ito lang ang kaya kong gawin sa ngayon eh. Alam ko naman kung gaano ka kabusy sa pag-aasikaso ng lahat na kakailanganin sa kasal natin. Hindi naman ako makatulong," wika ko. Hinalikan naman nito ang labi ko habang hinahaplos ang mukha ko. "Tss, huwag mo nang isipin iyon baby. Ako nang bahala sa lahat okay. Lambing mo lang, wala na kaagad ang pagod ko." Sabay kindat nito sa akin. Napatawa naman ako sa ginawa nito. Araw-araw talaga ako nitong pinapakilig. Walang araw na hindi nito pinap

