Nanginginig ang kamay ko habang pinipihit ang pinto kung saan naka-confine ang binata. Lalo akong napahagulhol ng makita ang totoong kalagayan nito. Sa loob ng ilang buwan, ang laki ng pinagbago ng katawan nito. Bumagsak at sobrang nangayat. Oh God! Sambit ko habang naiiyak sa sobrang sakit ng nakikita ko sa kalagayan nito. Walang malay ang binata kaya wala itong kaalam-alam na naroroon ako. Nanginginig ang mga kamay kong hinawakan ang kamay nito. Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa walang tigil ng pagbuhos ng luha ko. I'm sorry.. I'm really sorry.. Hagulhol na sambit ko rito kahit alam kong wala itong naririnig. Niyakap ko ang kamay nito at hinalikan. Hanggang sa hawakan ko ang mukha nito na halatang nangayat. Hinaplos ito ng dahan-dahan habang patuloy ako sa pagluha. Hirap na hir

