"Anong mukha iyan bro? Para ka yatang natalo sa sugalan ng milliones sa kaseryosohan mo ah?" sita ng kaibigan kong si k**i. "Tinatanong pa ba iyan? Pansin niyo naman siguro kanina kung paano siya tratuhin ng kinahuhumalingan niyang babae ngayon," nang-aasar na wika ni Carl na may pangiti-ngiti pa. "Oo nga eh, parang isang malakas na sampal iyon sa womanizer nating kaibigan," pang-aasar din ni Bien. Tinapunan ko ng matalim na tingin ang mga baliw kong mga kaibigan. Ngunit tumawa lang ang mga ito habang patuloy sa pang-aasar sa akin. "Isang Mendoza ka lang pala bro eh," malakas na sambit ni k**i sabay halakhakan ng mga ito. "Nasaan na ang kamandag mo womanizer?" natatawa pang pang-aasar ni Carl. Hindi ko naiwasang magpakawala ng malakas na buntong hininga. "Umuwi na kayo. Gust

