Napatulala ako habang pababa ng hagdan. Nakaabang sa sala ang binata habang guwapong-guwapo ito sa suot nito. Akala mo nga eh, may date na pupuntahan. Sa kompanya lang naman nito. Lihim akong napangiti. "Hi, baby. Good morning," ang nakangiting wika nito. "Hi, good morning." Simpleng ngiti ang binigay ko rito. Nang magulat na lang ako sa inilabas nitong bouquet of flowers sa likuran nito. Kaya pala nakatago ang isang kamay nito kanina. "For you." Matamis ang mga ngiti nito habang nakatitig sa akin. Ito ang unang beses na nagbigay ito ng bulaklak na siya mismo ang nag-abot. At dahil sa pagkagulat. Ramdam kong pinamulahan ako ng pisngi. Kahit na pilit kong itinatago ang nararamdaman ko. Ayon, lumabas pa rin sa pamamagitan ng pamumula ng pisngi ko. Pansin ko ang pagkagat-labi ng

