Chapter 14

1687 Words
Chapter 14 Tahimik lang kaming dalawa ni Sebastian dito sa dalampasigan. Bumalik na sa tent ang lahat. We also decided to leave tomorrow, first thing in the morning. "Okay ka na?" I initiated a conversation. I saw him nodded while holding his lips. It was cut. "Ang sakit ng sapak ng gago." Napailing ako. "Bakit ba kasi kayo nag-aaway? Magpinsan lang naman kayo." "Gago, e." Tinunga nito ang huling simot ng kanyang canned beer. "After going home, your life will change." Nangunot ang noo ko. "Change?" Hindi ito sumagot. Sa halip, bumuntong hininga ito humiga sa maputing buhangin. "Yes. Malalaman mo rin sa pagbalik natin ng maynila." I didn't respond. I just watch how the stars blink through the night sky. How the waves calm my ears. This is such a mood. "This happened before," Sebastian murmured. Hindi ko ito nilingon, ngunit ang mga tenga ko ay bukas upang pakinggan ang kung ano mang sasabihin niya. "Falling inlove with the same person at the same time." Napalingon ako dito at napansing nakatitig lang ito sa kalangitan. "You fell inlove with Criza?" I asked. But he didn't answered my question. Instead, he speak again. "Dati rati, both of us are not backing out. We fought for the love of a girl. And we both lose her." Nanatili lang ang tingin ko dito. Hindi ako umiimik. Even if I would ask him questions, he won't answer it anyway. "Sa pagkakataong ito, someone should give up." Humina ang boses nito. He closed his eyes. "And I gave up." "What?" Kumabog ng sobrang lakas ang dibdib ko nang bumaling ito sa'kin. He smiled. But it didn't even reached his eyes. "Ako ang magpaparaya sa pinsan ko." Bumangon ito at tumayo. Pinagpagan niya ang kanyang suot na maong. "It was nice meeting you, Angel." He smiled genuinely before turning his back on me and started to walk away. Nakatitig lang ako sa likod nito hanggang sa mawala siya sa kadiliman. Now I'm left alone in this seashore. Hindi ako nakaramdam ng takot. Sa halip, kumalma ang sarili ko sa isiping ako nalang ang nandirito. Ngunit nagkakamali pala ako. "So numb, Eleazar." Wika ng isang lalaki at umupo sa tabi ko. "Lucas." I greeted him. Nilingon ako nito ngunit agad ring binalik ang tingin sa karagatan. Maaliwalas ang sinag ng buwan na rumereplika sa tubig dagat. "Napakamanhid mo." He said. "Wala kang pakialam sa nakapaligid sa'yo." "Ano?" What the hell is he trying to say? "Halata na ngang mahal ka, hindi mo pa rin tanggap. O ayaw mo lang tanggapin." "What the fvck are you saying, Lucas?" Nagsisimula nang uminit ang ulo ko. "Can't you just go straight to the point?" "I'm not in the right place to tell." He shrugged. "Goodnight, Eleazar." _______ A month had passed, at totoo nga ang sinabi ni Sebastian. My life will change after returning back to Manila. Hindi na kagaya dati si Sebastian. He's so distant from me. Ang tanging dumidikit nalang sa akin ay si Kaye, Stracy at Clyde. Si Criza? I don't know. Nakakapagtaka kung bakit hindi na ito masyadong namamansin. After school, deretso siya sa kwarto niya at sa umaga naman, nauunang pumasok kasama si Alonzo. I didn't got the chance to talk to her. Not until tonight. "Criza?" I knocked on her door. Ngunit walang sumagot. Napabuntong hininga nalang ako at pinilit ang sarili kong pumasok sa loob ng kanyang silid. And there I saw her scrolling on her laptop habang nakadapa sa kama. Nilingon ako nito at bumangon. "Anong sadya mo, Angel?" She asked in a casual tone. Umupo ako sa kama nito. "Are you mad at me? Did I did something wrong?" Umiwas ito ng tingin. So tama nga ako? May mali akong nagawa kahit sa pagkakaalala ko ay wala akong kasalanan. "Can you tell it to me?" I almost sounded begging. But hell, ayoko ng ganitong trato namin sa isa't-isa. "It's been a month Criza and you're acting weird--" "Stay away from him." Naputol ang sasabihin ko nang magsalita ito. She held my hand and gripped it tightly. "Please, Angel. Stay away from Shaun. H-hindi ko alam ang gagawin ko kapag i-iniwan niya ako."  "Ano?" Si Shaun? "Criza, natural lang na mag-usap kami dahil boyfriend mo siya--" "Kung hindi mo magagawa ang hinihiling ko, you can freely leave the room. The door is not locked." She said in a cold voice. "Criza," pinigilan ko ang pagtangkang pagtalikod nito sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang braso. "Anong nangyayari sa'yo? Hindi naman kami masyadong malapit ni Shaun." Umiwas ito ng tingin. "J-just stay away from him." I took a deep breath before nodding my head. "Okay." I whispered. No one speaks. Not until I heard her small sobs. "Nagseselos ako sa'yo. Whenever you're around, he always show his smile. Mabilis mawala ang init ng ulo niya kapag nandiyan ka. H-hindi ko alam. D-dapat hindi ako mabahala kasi ikakasal ka na.. Pero natatakot ako na baka mawala siya sa'kin." Nagblangko ang utak ko sa narinig. "S-so this is the reason?" "Yes." Walang pagdadalawang isip nitong sagot. Napaiwas ako ng tingin at mariing pinikit ang aking mga mata. Kasalanan ko pala ang lahat. Kung sana hindi ako naging malapit kay Shaun, edi sana hindi magkakaganito ang pinsan ko. It was my fault in the first place. "Sorry, Criza. I promise. I won't get myself near him ever again." I said. "You better." Aniya at pinahiran ang mga luha niya. "Are we okay now?" I asked. Tumango ito at niyakap ako. "Thank you so much, Angel." I nodded my head and hugged her back. I don't know if it's just me, pero bahagyang kumirot ang puso ko sa isiping hindi na ako lalapit pa kay Shaun. Maybe because I got use by his presence. Lagi kami magkasama during break time dahil magkaparehas kami ng kurso. Sometimes he answered some of my assignments. Nakikikopya nga sa'kin mga kaklase ko not knowing hindi pala ako sumagot nu'n. Naunang kumalas si Criza sa yakapan at bahagyang inuga ang braso ko. "May event sa monday!" She exclaimed like she didn't cry a moment ago. "Anong event?" I asked. "It's my Shaun's birthday!" Aniya. Birthday ni Shaun? Magkasama kami kahapon pero hindi niya nabanggit. "Oh, tapos?" I did my best to sound casual. "We need to buy a dress. Dito sa school gagawin ang ball and everyone is invited. Even the students from our school." She replied. Tumango ako at kinamot ang aking batok. "Kailan tayo mamimili?" "Bukas. Saturday naman, e. You can invite Stracy, too." She's smiling from ear to ear so it's very hard to say no. Stracy doesn't like her. Tumango nalang ako dito at nagpaalam na matutulog na. She kissed my cheeks a goodnight. Kinabukasan, alas nuwebe pa lang ay ginising na ako nito. Pinaligo at pinagbihis dahil daw ay baka maubusan kami ng gown sa mall. Hindi nama siguro buong metro manila ang imbitado 'no? So ayun nga, we went to mall at exactly ten in the morning. Hindi alam kung ba't nasasabik ang isang 'to. "How's this? Bagay ba sa'kin?" She asked for the nth time. Muli na naman ako tumango. Halos lahat naman kasi ng gown dito ay bagay sa kanya. Of course, she has the curves. Bagot ako kumamot sa aking batok nang muli na naman itong pumasok sa fitting room bitbit ang isang gown. Ipinokus ko nalang ang sarili ko sa nilalarong mobile legends. Nakabore dito. Lahat ng titingnan mo, puro gown. Masakit sa mata. 'You have slain an enemy.' 'Double kill.' Naging ganado ako maglaro matapos akong makapatay ng dalawa. Mabait ang tank ngayon na si Franco. Nanghihila ng kalaban. "How about this, Gel?" I heard Criza. Nag-angat ako ng tingin dito at mabilis ring ibinalik sa cellphone. "Oo. Bagay sa'yo." I bit my left cheek inside habang pilit na itinatakas ang hero ko palayo sa maraming kalaban. "Kanina ka pa naglalaro. Magsukat ka din para may maisuot ka." She said again. Umiling ako. "No need. I won't come anyway." "Hindi 'yan pwede." May biglang humugot ng phone ko. Nanlaki agad ang mata ko nang iturn-off niya ang phone ko. "Magsusukat tayo ng gown." "Criza!" Halos mangiyak-iyak na ako. Rank game 'yun, e! Kakaangat ko pa nga lang sa epic, bababa na naman. She shook her head and pointed the gowns. "Magsukat ka dali." Hindi ko maiwasang mapairap sa dami ng gown. Pare-pareho lang naman sila gown. Ba't pa ako mamimili? "Ma'am," napalingon ako sa aking gilid nang magsalita ang sales lady. May dala itong isang black backless gown. "Ito po. Isukat niyo." Napatitig lang ako sa gown hanggang sa sikunin ako ni Criza. Nilingon ko ito at napansing nginunguso niya ang gown. "Bilis," she said. Bagsak ang mga balikat kong tinanggap ang gown. I smiled to the sales lady before making my way towards the fitting room. Napasulyap pa ako sa phone kong hawak ni Criza sa kamay. "Argh. Paano ba isuot 'to?" I murmured to myself. Huhubarin ko ba ang damit ko? In the end, I decided to took off my shirt. Naiiwan nalang ang suot kong bra. Hindi ko na sana huhubarin ang bra nang mapansin kong may mini-bra pala sa gown kaya tinanggal ko na rin. I bun my hair dahil sagabal. Wala na akong pake kahit hindi maayos ang pagkakabun. Magpapaputol na ako next week. Nakakatamad na magsuklay. The gown hugged my waist tightly. May mga straps sa likod na pa ekis ang style na kumakapit upang hindi mahulog ang gown. It has also pearly linings especially on my chest. "Angel, ano ba? Ayaw mo ng lumabas?" Criza knocked on the door. "Just a moment." I replied and turned around to see how revealing my back can be. Napakamot ako sa aking batok bago ako lumabas ng fitting room. My cousin then eyed me. No one talked. Until the sales lady spoke. "Ang ganda niyo po, ma'am. Bagay sainyo ang gown." She smiled. Isang napipilitang ngiti ang isinukli ko sa kanya. I also saw Criza smiled and hugged me. "Babae ka na!" She exclaimed. I rolled my eyes. "Babae naman talaga ako." She just chuckle before talking to the sales lady. "We'll buy this."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD