Chapter 11

2352 Words
Chapter 11 : With me "Ang tagal naman!" Nakasimangot kong wika habang nakatanaw sa labas ng teresa.  "Sa susunod na araw pa maglalandfall ang bagyo. Uncle Kevin told us to remain here." I heard him said.  Tinignan ko ito at sinamaan ng tingin. Wala akong pake kahit mafia heir 'to. Abnormal din minsan, e.  "Gusto ko na makita sila. Lalo na si Criza." I snorted. "Maghintay ka matapos ang landfall." Hindi man lang ako nito tinignan. Busy ito sa kanyang mobile legends.  "Hindi mo ba namiss si Criza?" I suddenly blurted out.  Nag-angat ito ng tingin sa'kin ngunit saglit lang ito at nagpatuloy muli sa paglalaro. "You'll call me heartless if I tell you."  "Bakit?" Kumunot ang noo ko. "Hindi mo siya namiss?" Hindi ito sumagot at nagpatuloy lang sa paglalaro. Parang may lumukob na kaba sa sistema ko sa tanong na lumabas sa bibig ko.  "Do you love my cousin?" Mahinang usal ko. Mabilis ko namang tinakpan ang aking bibig at nanlalaki ang mga matang tumingin sa kanya. He just look at me with his forehead creased. "Of course, I did." "Y-you did?" Is it a past tense?  I saw him putting down his phone on the bed and got up. Wala sa sarili akong napahawak sa bintana nang naglakad ito palapit sa'kin.  Napasinghap ako nang iharang niya ang kanyang braso sa'king magkabilang gilid.  "I did. And I do."  Napaiwas ako ng tingin dito. His stares were intense. Nakakatuyo ng lalamunan. Pinagpapawisan din ako sa presensiya niya.  Sabay kaming napatingin sa pinto nang tumunog ang doorbell ng kwarto.  "I guess that's the food." Fvck, saved by the bell!  Umalis siya sa kanyang pwesto at nagmamadali naman akong tumungo sa pinto at pinagbuksan ito.  "Here's your order, ma'am." Nakangiting usal ng bellboy.  "Bakit may wine?" Nagtataka kong tanong.  "Order po 'yan ng lalaking kasama niyo." Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi nito.  Tumango ako at tinanggap ang mga pakaing nakalagay sa tray. "Thank you."  Yumuko at ito ng bahagya bago lumisan. Pumasok naman ako sa loob kahit hindi ko pa nasasarado ang pinto.  "Pakisarado ng pinto, Shaun." Walang lingon kong utos dito.  I shall never feel awkwardness whenever he's around. Kailangan kong masanay sa presensiya niya.  Narinig ko naman ang pagsara ng pinto.  "Tara kain na tayo."  ____ "Pot-ng ina, talaga." Frustrated kong sambit nang matalo niya ako ULIT sa mobile legends.  Humalakhak si Shaun. Kung dati naninibago ako, ngayon ay naiirita na ako. "Come on, move." Kanina niya pa ako ginagawang mukhang tanga dito. Nung unang talo ko, pinagpush up niya ako. Buti nalang mahal ako masyado ni Lolo kaya palagi akong nakakapagpush-up kapag may kasalanan ako.  Tas 'yung pangalawa, pinagtalon-talon niya ako habang kumakanta ng bahay kubo. Iba din trip ng lalaking 'to, e.  "Ano ba gagawin ko?" Tumayo ako at namaywang sa harap niya.  He held his chin at umaktong nag-iisip. "Hmm.. Play me a song."  Napataas ang kilay ko at luminga sa paligid. "Wala namang piano, ah."  "You only know how to play piano?" Napatingi ako dito at kitang-kita ko kung paano umarko ang kilay nito.  "I can play guitars and drums too. Pero mukhang may galit si Lolo sa instruments na 'yan kaya piano lang ang madalas na ginagamit ko.  He nodded his head. "May guitar akong dala. Nasa sasakyan. You can play that."  Umaliwalas ang mukha ko sa narinig. "Really? May dala ka? Kunin mo dali!" Natutuwa kong sambit.  Mahina itong natawa at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama. "I'll be back." "Bitbit ka payong, hoy!" Habol kong wika.  Tumango lang ito bago lumabas ng silid. Ewan ko ba. Nasasabik ako sa isiping makakahawak na naman ako ng gitara. My Lolo always forbids me to play that instrument. Kesyo panlalaki. Instruments are for unisex. Pwede sa lahat. Etong si Lolo ko lang napakadaming kuda.  Napatingin ako sa phone ni Shaun nang magring ito. Nagtataka naman akong lumapit.  And there I saw Criza's name registered as the caller.  Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi.  Until the call ends, I'm still torn between answering the call or nah. Muli akong nagbaba ng tingin sa phone niya at napasinghap sa kanyang lockscreen wallpaper.  Wala sa sarili kong pinulot ang phone niya at pinakatitigan ang litrato sa kanyang lock screen.  "A-ako to, ah?" It was my childhood picture. I'm wearing a purple gown with a crown in my head. May hawak pa akong wand at may star sa dulo nito. Nakangiti ako sa picture.  B-bakit meron siyang ganito? Saan niya 'to nakuha?  Wala sa sarili kong binitawan ang cellphone niya nang muli na naman itong magring.  I took a deep breathe before settling myself on the. Tumihya ako sa kama at pumikit.  Where did he get my picture? Sigurado akong ako ang babaeng 'yun. Ang batang nasa lockscreen niya. P-pero paano-- Naputol ang pagmomonologo ko sa sarili ko nang bumukas ang pinto.  "Hey, here." I heard him said. Hindi ko pa rin dinilat ang mga mata ko. His phone keeps on ringing and vibrating at the same time.  Ramdam kong lumapit siya sa pwestro ko at kinuha ang phone niya.  "Hello, babe?"  Okay. Baboy daw.  "No.. I just came from the shower." Muli na namang sagot nito. "Just call back later. I'm talking with someone important."  Important daw?  "Yea, I'm talking with my dad."  Hindi ko nalang sila pinakinggan. Pinili ko nalang idilat ang aking mga mata at nadatnan siyang matamang nakatitig sa'kin. "Bye," he said as he ended the call. 'Yun lang? No iloveyou's? Ibanaba niya ang tawag at tumingin sa'kin. "Why didn't you answer the call?  Hindi ko ito sinagot. Sa halip, bumangon at inabot ang gitarang dala niya.  Ang pagtataka at kabang nararamdaman ko kanina, ay nawala nang mahawakan ko ang gitara. Para akong isang batang binigyan ng ninanais na regalo.  "You love guitar?" He asked as sat down on the bed.  "I love instruments." I replied shortly.  Tumango ito at humilig sa headboard. "Play a song now," I nodded my head. Itinuno ko muna ang string. I'm seriously not good in playing guitars. Pero marunong naman ako.  "What song?" I asked, not taking away my sight from the guitar.  "Your choice." Sagot nito.  Tumango ako at nag-isip ng kanta. "I'm yours."  "You're what?" Napaangat ang tingin ko dito nang magsalita ito.  Kumumot ang noo ko. "I'm yours." Pag-uulit ko sa pamagat ng kanta.  Tumango ito at muling humilig sa headboard ng kama. He closed his eyes and whispered. "Of course, you're mine."  "Ano?" Ang hina masyado ng boses. Bulong ng bulong 'kala mo lamok. "Nothing. Continue." Pag-uutos nito na ikinasimangot ko.  "Bossy." I murmured.  "I heard you," "Edi wow." Pambabara ko dito at nagsimulang magstrum.  'Well, you done done me and you bet I felt it I tried to be chill, but you're so hot that I melted I fell right through the cracks Now I'm trying to get back' Focus lang ako sa paggigitara. At napapangiti sa sarili kasi kahit sobrang tagal na nung huli akong makapatugtog nito, marunong pa rin ako. 'Before the cool done run out I'll be giving it my bestest And nothing's gonna stop me but divine intervention. I reckon, it's again my turn To win some or learn some.' I closed my eyes. Pinifeel ko talaga ang kanta, e no? 'But I won't hesitate No more, no more. It cannot wait, I'm yours.' Ibubuka ko pa sana ang bibig ko nang sumabay sa kanta si Shaun na ikinagulat ko. I lifted my head and saw him looking at me intently.  His face has no emotion, but his eyes.. it looks contented and happy. How could that be?  'Well, open up your mind and see like me, Open up your plans and damn you're free. Look into your heart and you'll find love, love, love, love.' Napaiwas ako ng tingin dito habang patuloy na nagkakaskas ng gitara. His voice sounds so heavenly.. 'Listen to the music of the moment, people dance and sing, we're just one big family And it's our God-forsaken right to be loved, loved, loved, loved, loved' "Your turn." Nakangiting usal nito na ikinabigla ko.  Moments later, I smiled. "So I won't hesitate. No more, no more. It cannot wait, I'm sure." Muling bumaba ang tingin ko sa gitara.  'There's no need to complicate. Our time is short. This is our fate, I'm yours.'  Napahinto ako sa pagkaskas nang magsalita siya. "You're right." Napaangat ako ng tingin dito. "Right about what?" He smiled. It looks so genuine. Parang gusto kong manlumo sa nakita.  D-did he just smile? Look, I've always seen him smiling. But today's smile is different.  Maaliwalas ang mukha at mahahalata mong masaya siya. "What you said was right. We shouldn't complicate things since our time is short." He said.  Ano daw?  Napakamot ako sa aking batok. "I don't get what you're trying to mean." He smiled once again. Nakakarami na'to, ah.  "Malalaman mo rin."  ____ Napahikab ako habang nakatitig sa huling simot ng wine na hinatid ng bell boy kanina. It's already seven in the evening and the rain is still falling. Nag-aalala rin ako kay Criza sa lugar na kinaroroonan niya. Bukirin daw sa parte na 'yun.  "Bakit niyo pa kasi tinuloy ang medical mission niyo kung alam niyong may paparating na bagyo?" I blurted out.  Parehas kaming nakaupo sa lapag. Nasa gitna namin ang dalawang shot glass at mga pagkain binili namin na para sana sa snacks namin du'n.  "I don't know." He replied as he took a sip from his wine.  Wine nga na tawag dito? Tatlong bote na naubos namin na may tatak na 'black labels'. Masakit sa lalamunan. Pero okay lang. Last naman na 'to, e.  I snorted. "Ikaw ang may-ari ng school. Dapat alam mo. Tapos uncle mo pa ang dean."  Tumingin ito sa'kin. Umipekto ba kahit konti ang alak sa kanya? Parang normal lang, e. Habang ako parang umiikot na ang paligid.  "Only Seb knows why." Nagkibit balikat ito at ngumuya sa kanyang pagkain.  May flatscreen tv naman pero hindi ko trip manood. Ewan ko din sa kanya kung ba't hindi niya rin binuksan ang tv.  "So tama nga sabi nila? Na magpinsan kayo?" I asked. He nodded. "Yeah. Magpinsan kami."  "Edi close kayo?" Kinagat ko ang aking ibabang labi nang muli na namang umikot ang paligid ko.  "Not all cousins are close." From a casual voice, it suddenly turned into a cold one.  Hindi ko nalang ito pinansin at tumango. "Really? Swerte siguro ako kasi close kami ni Criza. At wala akong balak na sirain 'yun."  Napaubo ako sa huling butil ng alak na ininom ko. Napakapait talaga!  "What if something will happen and it will make your treatment towards each other change? Anong magagawa mo?"  "Marami." I laughed nonchalantly. Lasing na yata ako. "I already sacrificed a lot for her. Sacrificing again would not be a big deal."  "Sacrifice?" Tanong nito.  Nag-angat ako ng tingin sa berdeng mata nito at ngumiti ng malungkot. "Yes. Sacrifice." "Like what?" Pang-uusisa nito. If my mind is in a good state right now, I would probably start to get annoyed and just shut myself up.  Pero hindi. Parang mas gusto ko magsalita ng magsalita. Ilang taon ko rin kinimkim sa sarili ko 'to, e.  "Like when I was in high school." Natawa ako sa mga naaalala. "I was so inlove with the guy she loves. His name was Jaden."  "Jaden?" "Yeah." Sumubo ako sa aking chitchirya. "Napakahead over heels ko sa lalaking 'yun."  "Then?" "Nauna siyang naging akin. Akin siya, e. Pero nung makita niya si Criza, wala. They fell inlove at first sight." Walang buhay kong wika. "Tapos?" "Criza asked me to let him go. Kung hindi ay magagalit siya sa'kin at hindi niya ako papansinin." Natawa ako. "Syempre takot ako na hindi niya ako pansinin. Si Criza lang kasi ang taong kasama kong lumaki. My parents are busy with their works. Mabait si Criza sa'kin kaya hindi ako tumanggi."  "You broke up with that guy?" He asked again.  I nodded my head. "Yes. We broke up."  I also saw him nodded. "Tapos ano pa?" "Academic matters." I keep fighting with my tears not to fall. And I won. Hindi nga sila tumulo, nangingilid naman sa mga mata ko. "That time na nagkokompetisyon kami sa isa't-isa para sa district meet ng journalism."  "You're into journalism?" I can sense he's getting interested with my stories.  "Yeah," nakasimangot kong saad. "Pero tinigilan ko kasi sabi ni Criza I should quit being a journalist para wala na siyang kalaban. O 'di kaya, maghanap ako ng ibang category. Hindi ko gamay ang ibang category, e. So I decided to quit. Of course, I love her so much I could give up my passion for her to pave the way."  "You let her cut your wings?" Napaangat ang tingin ko sa berdeng mga mata nito.  It's pure blank.  I laughed nonchalantly. "I guess so? It was my choice by the way. Ako mismo ang nag-quit. So wala siyang kasalanan, du'n."  "Ano pa?" Nagkibit balikat ako. "Nung pinalo ako ni Lolo ng sinturon kasi inako ko ang kasalanan ni Criza."  "So it's not a big deal for me to give up something just for her happiness." I added.  "You are really an angel." He said.  Natawa ako sa narinig. "Nah. I'm not. Mahal ko lang talaga si Criza kaya pinagbibigyan ko siya sa gusto niya."  Napaigtad ako nang hawakan niya ang aking kamay na nakalagay sa aking kandungan.  "Don't let anyone cut your wings, Angel." He said.  Kung kanina'y sinabi kong nanalo ako sa labanan namin ng aking luha, nagkamali pala ako.  My tears rolled down along my cheeks as I remember how my grandfather manipulated my life since then. Nag-angat ako ng tingin dito nang pahiran niya ang aking pisngi.  "Matagal nang putol ang pakpak ko, Shaun. They were already cut since then."  Hindi ko na napigilang humagugol nang hilahin ako nito sa isang napakahigpit na yakap.  He patted my back and kissed my head before whispering. "Now that you're mine, I let you spread your wings. No one is allowed to cut it again."  "Spread your wings again. This time..." hinigpitan niya ang yakap sa'kin. ".. with me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD