Chapter 2

2510 Words
Chapter 2 : Property "Shaun?" Manghang wika ni Criza.  First time niya ba makita boyfriend niya? Nakakairita na, ah. "Hey." The guy named Shaun greeted.  So this is him? Without any mask? Pointed nose, curly long eyelashes, he also has this thick eyebrows and his green eyes.  "Good morning, Professor Angeles. Please have a sit." Anyaya ng lalaking kausap ni Shaun kanina.  "Gladly," I heard our professor answered before sitting on the long cream colored sofa.  Nakaupo naman si Shaun sa visitor's chair sa harap ng mesa. Tumayo ang lalaki na sa tingin ko ay ang dean ng unibersidad na ito at tumungo sa pang-isahang sofa.  "How about you, ladies. Have a sit. Mr. Guzman told me that you walked your way from the school gate up to here. So I guess you're all tired. Take a sit first." He also offered us but his eyes were settled on me.  Umupo naman kami sa isa pang sofa at panandaliang binitawan ang aming mga dalang bagahe. That was horrible. Sumakit bigla ang paa ko. Nangangalay. Siguro ipapahilot ko nalang ito kay Criza mamaya.  "Gel," kinalabit ako ni Criza at bumulong. "Nangangati na akong lapitan si Shaun."  Lumipad ang paningin ko kay Shaun na hindi man lang tumayo sa kinauupuan niya kanina habang nagkakalikot sa kanyang telepono na halos magkasalubong ang kanyang makakapal na kilay.  "Lapitan mo na." Baliwalang sambit ko at sumandal sa backrest ng sofa. Heaven. Kanina pa rin sumasakit ang likod ko. I closed my eyes and listened to our professor's convo together with the dean of this school.  "Need not to worry, professor. Everything is already under our control. My nephew will also be the one to guard them while they are here." Ani ng dean.  "That's very relieving to know, Mr. Amadeo." Sagot naman ng propesor. "So I guess I need to leave. May klase pa rin akong papasukan. Please, take care of our students."  "We will, Professor Angeles."  "Ladies," panimula ni prof Angeles. "I'll bid my goodbye for now. See you after 3 months. Take care."  "Babye po, prof." Rinig kong pamamaalam ni Salvador, then I heard her whispered. "Sana naman hindi malala ang calculus dito."  I can't hide my smirk after hearing her. Kahit nakapikit ako, ramdam kong nakasimangot siya sa paraan ng pagbigkas niya ng mga salita. Nakarinig ako ng tikhim dahilan upang imulat ko ang aking mga mata at dumapo ito sa dean na tinawag ni prof kaninang Mr. Amadeo.  "Glad you finally opened your eyes, Ms. Eleazar." He smiled.  Tipid na ngiti lang ang ipinakita ko at umayos ng upo. I saw Shaun from my peripheral vision. Tumayo ito at naglakad patungo sa kaharap naming mahabang sofa na inupuan ni prof Angeles kanina.  "So now, I personally welcome you all here in Amadeo University. I am Kevin Amadeo, the dean of this university. This is my nephew, Shaun Amadeo." He pointed Shaun na nakaupo ngayon sa upuang kaharap sa amin.  I heard girls giggled. Especially, Criza.  "Now, let's talk about the rules inside the academy." Sumeryoso ito kaya seryoso rin akong nakinig dito. I didn't bother to glance at Shaun kahit ramdam kong nakatitig ito sa akin. Or maybe I was just assuming things again.  "Before anything else, nais ko lang sabihin na kompleto kayo sa loob ng paaralan na ito. We made a dorm especially for girls, including the comfort rooms and the locker that was really made para maiseparate kayo sa locker ng mga lalaki. We also customized your own uniforms with your name in it." Seryoso itong nakatingin sa amin. "And for the rules. We only have five. First is you girls should never let boys to enter your dorms same with you. Hindi kayo pwedeng makapasok sa loob ng dorms nila. Separated ang building niyo." They all nodded their head habang ako ay itinukod ang aking siko sa armrest at ipinatong ang aking pisngi sa aking palad, ang bigat ng ulo ko.  "Second, arrive on school on time. Malayo ang dorms sa entrance ng school kaya't kailangan niyong maglakad. Morning exercise na rin. Once you're late, you will be given a punishment by the supreme students inside the university."  "Sit properly, Ms. Eleazar." Shaun's cold voice beamed inside the room.  Wala sa sarili akong napaayos ng upo at hinila pababa ang kulay nude kong skirt na ang dulo ay nasa kalagitnaan lamang ng hita ko. Geez. It's embarrassing.  Rinig ko ang mahinang pagtawa ng dean na ipinagtaka ko. "Third, if arriving at school late has punishments, going home before 9pm has also punishments. 9pm is our curfew. Kapag lampas ng alas nuwebe at nasa labas ka pa ng dorm mo, may magiging parusa sa'yo ang mga supreme students."  "What kind of punishments po ba?" Tanong ni Alonzo.  "It's up to the council. Sila na ang bahala magpataw ng parusa." Sagot ng dean. "So, shall we proceed?" "Yes," Criza answered.  "Fourth is no violence. Pero alam ko namang harmless kayo. Just to remind you. And the last is.." He trailed off "What?" May bahid ng iritasyon kong tanong. "Privacy is a must." Tumikhim ito. "Huwag pakealaman ang buhay ng isa't-isa. I know you'll think of it as weird but we really do have this kind of rule. This rule were always disobeyed by many. Bilang lamang ang nabibigyan ng parusa. And that is when nagsumbong ang pinakealaman mo. Mind your own business ika nga. Never let your curiosity rules over you. Because curiosity always kills a cat." Ramdam ko ang paghigpit ng kapit ni Criza sa braso ko. Nangunot din ang noo ko sa paraan ng pagsasalita ng dean. Is he threatening us?  Moments after, he smiled. "Don't be nervous, students." He chuckled. "Anyway, my nephew will be the one to take you to your dorm. I'll also send someone to tour you around our school."  Hindi ako nagsalita at patuloy lang nagpinag-oobserbahan ang kilos ng dean. He gave us our daily schedule and the keys of our lockers.  "Let's go." Ayan na naman nag malamig na boses ng walang hiyang nilalang na 'to. _____ Walang lakas kong ibinagsak ang aking sarili sa kama. The dorm is a very big building. Malapit nang magkasinglaki ang kwarto ko sa bahay at ang kwarto ko sa building na ito.  The building looks like an apartment. May kanya-kanya kaming kwarto. Naabutan ko rin ang uniporme kong nakalapag sa kama kanina na isinabit ko nalang sa wardrobe.  I was about to close my eyes when someone knocked on my door. Sa paraan ng pagkatok nito, alam kong si Criza 'to.  Inis akong bumangon at pinagbuksan siya ng pinto. "What now?"  She smiled sweetly at me before entering my room without my permission. Napairap ako sa hangin bago muling isinara ang aking pinto.  "What the fvck?!" Napamura ako nang tumili siya ng malakas habang nagtatalon sa kama. "The hell is your problems?"  Bumaba ito sa kama at nilapitan ko. "My gosh, Angel! Finally andito na tayo sa school nila! Makakasama ko na siya ng matagal!" She even shook my shoulders repeatedly.  "Fvck.." I murmured as I took her hands off of my shoulders. "Alam ko, okay? Nahihilo ako sa pinaggagawa mo. At isa pa, 'wag kang tumili. Ang sakit sa tenga."  I walked towards my bed and laid myself in it. Napagod ako sa paglilibot ng school. Nangalay ang paa ko.  "Criza," I called her.  "Hmm?" "Massage my foot, please." Pikit matang wika ko.  "Sure." Ramdam ko naman ang paghawak niya sa paa ko at sinimulan itong hilotin. "May chika ako sa'yo."  "Ano?" If it is about Shaun-- "Kinikilig ako sa loob ng office kanina." Umimpit ito ng tili. "Grabe kung nakatutok sa'kin si Shaun. Parang malulusaw ako."  I heaved a deep breath. Hinayaan ko nalang siyang magkwento. No matter how much I don't like him for her, wala akong magagawa. Basta 'wag niya lang saktan ang pinsan ko, panatag na ako doon. But knowing his looks. It can lure different women at a single period of time.  "It's kinda weird lang." Biglang sumeryoso ang tinig nito.  "Why?" I asked with my eyes shut closed.  "Kasi hindi man lang niya ako sinamahan sa paglilibot ng school. Ni hindi niya ako sinundo."  "Maybe he's tired." I yawned and reached for my phone above my head. "Have you seen Clyde? Dito rin 'yun nag-aaral, e."  "Hindi, e. Tawagan mo nga. Five pm naman na. Awasan na nila ngayon." Criza suggested.  Tumango ako at idinial ang number ni Clyde. Few rings and he answered the phone.  "Saan ka?"  "Hello din." Sarkasmong sambit nito. "Hindi uso ang hello sa'yo, Gel?" I 'tsked'. "Shut up. Sunduin mo kami sa aming dorm. Samahan mo kami papuntang food court. Nagugutom na ako."  I didn't wait for him to answer and just turned off the call. Hindi ko talaga maintindihan kung lalaki ba si Clyde o babae sa tabas ng kanyang dila.  "Ano sabi?" Criza asked as she keep on massaging my feet.  "Susunduin niya tayo para samahan sa foodcourt. Magbihis ka na. Salamat sa masahe." Bagot kong sagot.  "Okay." Nagmamadali itong bumaba ng kama at lumabas ng silid. Hindi na ako nag-abala pang magbihis. I'm just wearing a loose shirt and a black cargo pants. Boyish? Well, if that's how you call it. I tied my hair into a bun and wiped my face using a babywipes. Feeling ko kasi nanlalagkit ako. Mamaya nalang ako maliligo after dinner. Sa ngayon, nagugutom na talaga ako.  My phone beeped and I saw Clyde's message popped. Telling he's already outside of the dorm.  Nagmamadali akong lumabas at bumaba sa sala. Nasa second floor lahat ng kwarto at ang nasa first floor ay ang kusina, sala, at ang bathroom para sa lahat. I don't know what is that for. May sarili naman kaming banyo sa loob ng kwarto.  "Angel, saan kayo pupunta?" Takang tanong ni Laurente.  "Food court. Let's eat our dinner. Baka mahuli pa tayo ng supreme students 'pag mamaya pa tayo kakain." Criza answered.  Tumango ang lahat at pinatay ang tv. Nanonood pala sila ng oggie and the cockroaches yata? Pambata.  "May inapply ka ba sa mukha mo, Gel?" Ani ni Alonzo habang naglalakad kami palabas ng dorm.  Kunot-noo ko itong tinignan. "Wala." And I'm not into applying products.  "Ang pinkish ng pisngi mo. Siguro dahil sa magiging mestiza mo." She said as she eyed me from head to foot. "Pero ang tomboy mo manamit."  And here we go again.  Hindi nalang ako nagsalita pa at nagpatuloy sa paglalakad. As soon as we got out from the dorm, I saw Clyde leaning on the gate of the dorm. May nakabantay namang guwardiya kaya't nasisigurong walang lalaking makakapasok sa dorm namin.  "Oh gosh, ang gwapo." Rinig kong impit na tili ni Salvador.  Nang tuluyan na kami makalapit dito, bumeso si Criza kay Clyde at tinanguhan naman ng bintana ang tatlo pang mga babae.  "Let's go." Bagot kong saad.  "Woah?" Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang pag-angal nito. "Hindi mo man lang ba ako babatin? Why so cold, my Angel?"  Inirapan ko ito at nagpatuloy sa paglalakad. Naramdaman ko naman ang pag-akbay nito sa akin na hinayaan ko lang.  He kissed my hair. "Bakit ikaw pa naging exchange student dito." I heard him murmured.  "Kasi ako." I opened my phone nang maramdaman kong umugong ito. It was my mother's text message. Wala sa sarili akong umungot.  "Why?" He asked. "It's about the fixed marriage again. Kakadesi-otso ko pa lang. I still want to enjoy my life as a teen. This life is full of sht." Nakasimangot kong bulong.  "Chill." He caressed my arms in a soft manner.  Nauuna kaming naglalakad ni Clyde habang nasa likuran namin ang apat. I can hear them gossiping and talking about the guy beside me.  Well, hindi ko sila masisisi. Clyde Sanchez is also a handsome creature. Ang tila proud nitong ilong, at ang makapal nitong kilay na nagkakaattract sa kanya. His lashes were straight but it was long. He also had this brown eyes. A six footer creature. Five-eight naman ako kaya hindi na nalalayo ang height ko sakanya.  Nakarating din naman kaagad kami sa food court. Clyde volunteered to buy our foods at sinamahan siya ni Alonzo. Naghanap nalang din kaming mauupuan.  "Doon tayo." Turo ni Criza sa isang bakanteng mesa na may apat na silyang nakapalibot. "Idugtong nalang natin ang isa para mahaba-haba."  And that's what we did. Pinagdugtong namin ang dalawang bakanteng mesa. Now, there are eight chairs. Umupo si Criza sa kanang bahagi ng mesa habang ako ay umupo sa kaliwa. Laurente sits a chair distance from Criza, same as Salvador. May distansiyang isang upuang ang pagitan namin. I roamed my eyes around and found it everyone is staring at us.  May ibang nagtataka, may ibang nakangiti na tila ba'y may planong kakaiba. At merong din walang pake. Moments later, may naglapag ng tray sa harapan ko at ang boses ni Clyde. "Food's here."  He ordered my favorite. Napangiti ako sa isiping hindi niya pa rin nakalimutan ang mga hilig ko.  "Oy, ngumiti si Angel oh." Nginuso ako ni Alonzo. This girl is really dmn, sarap ibitin patiwarik.  Mahinang natawa si Criza at Clyde bago umupo sa tabi ko. So the arrangement is, magkaharap kami ni Criza, kaharap din si Clyde at Alonzo, and lastly, magkaharap si Salvador at Laurente.  Nagsimula na akong sumubo at ganun din sila. Panay ang nakaw ni Clyde sa aking plato na hinahayaan ko nalang. I can feel everyone's stare. As if pinag-aaralan ang bawat galaw namin. "You girls should stick together," biglang bukas ni Clyde ng topic. "You are everyone's prey. After school, sa dorm dapat ang punta niyo."  "Boyfriend ko naman si Shaun. Siya may-ari ng school, di'ba?" Criza said as she keep on chewing her food. "I know he won't let anything bad happen to me." "You don't know anything about your boyfriend, Criza." Seryosong sagot ni Clyde na ikinatigil ko sa pagsubo. "Why?" Nangunot ang noo ko. "Ano ba ang boyfriend ni Criza?"  He took a deep breath. "That's the rule number five, Gel. Privacy is a must. It's his story to tell. Not mine. I'm sorry, princess."  Umirap lang ako. Hindi rin naman ako interesado. Just curious.  Muli na naman ako sa pagsubo nang may bulto ng lalaking nakatayo sa gilid namin ni Criza.  "May I?"  Sabay kaming lahat na nag-angat ng tingin. And Shaun's stare welcomed my eyes.  "Shaun?" Tipid na tumango ang binata kay Criza na ikinangiti ng huli. "Maupo ka." Umusog naman si Alonzo at Laurente kung kaya't magkaharap na kami ngayon ni Shaun at sila naman ni Criza at Clyde.  I can feel Clyde's arms encircled around my waist and gently pulled me closer to him. Like I am facing danger. And that danger.. is Shaun.  "Bro," ani ni Clyde kay Shaun. But man's stare were still on me.  Wala sa sarili akong napalunok sa paraan ng pagtitig nito. His eyes then settled on Clyde's hands on my waist. Kitang kita niya ito dahil na rin sa katangkaran niya.  Kita ko ang pag-igting ng panga niya at ang pagdilim ng berde niyang mata.  "I'm here to guard my property." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD