"Ahhh kasi..." Nakita ko ang hindi mapirming mata ni Latina. Para nitong iniiwasan na mapatingin sa amin ni Jessa kahit na alam ko naman na nakita niya at nadatnan niya ang halikang naganap sa'min ni Jessa. "What is it!?" I heard the irritation in Jessa's voice. "I'm just," tumigil ito at aligagang binuksan ang bag niya at inilabas ang phone ko. "Ano... Ibabalik ko lang sana 'to... Napulot ko. Sige, mauna na ako," sambit nito at inilapag na lang sink ang phone ko at mabilis na lumabas. This is the first time that I saw her like that. Oo at hindi pa kami gaanong magkakilala, pero hindi ako mapakali sa naging reaksyon niya. When Jessa tried to kiss me again, I immediately stopped her. Madiin akong napapikit nang hindi matanggal sa isip ko ang reaksyon ni Latina. Para bang pakiramdam k

