"Gwapo sana siya, pero bakit naman siya ganon?" Nakasimangot na tanong ni Kira pagkalabas nito sa isang cubicle dito sa CR ng mga girl. May hawak itong pangkiskis ng bowl.
Hindi ako sumagot at tulala lang habang nagmamap. Parang nananaginip lang ako. Hindi ako nakapaniwala na nakaharap ko nanaman siya. Is this joke? What the hell! Bakit siya nandoon? Bakit namin siya teacher? Saka bakit iba ang aura niya kanina? Para itong galit. Oo at late ako, pero grabe naman 'tong parusa at grabe naman siyang magalit!
Anim kami rito at tag-iisa kami ng cubicle na nilinisan, ang iba ay sa kabilang CR naglinis. Ang mga lalake ay shempre sa CR nila. Walang nakaperfect sa'min kaya ang ending, kaming lahat ay maglilinis ng CR. It's our breaktime, pero nandito kami naglilinis, imbes na nagpapahinga.
Unang araw pa lang niya ay namamarusa na siya.
Natigilan lang ako nang tumapon ang timba na nay tubig sa floor sa harap ko. Nang tignan ko ay si Nicole iyon. Masama ang tingin nito sa'kin. Sa kabilang floor sila, pero bakit nandito siya?
"What's your problem, Nicole?" Walang kaganang gana na tanong ko.
"Problem? Ikaw! This is your fault! Dahil sa kalandian mo palagi kang nalalate! At heto kami, nadadamay sa kagagawan mo!" Bulyaw nito at tinulak pa ako sa balikat.
"Nicole!" Saway ni Kira kay Nicole dahil sa pagtulak sa balikat ko.
Binalingan siya ni Nicole. "Huwag kang makialam dito," sambit nito.
"Ayoko ng away, Nicole. Tapusin mo na lang kaya ang trabaho mo diba?" Inis na ani ko.
Hindi naman kasi 'yun ang dahilan kaya ako na late. Hindi ako nakipagdate gaya ng sinasabi niya. Ang nakakainis sa kanya ay palagi siyang ganito.
Wala lang talaga akong masakyan kanina dahil ayaw ipahiram sa'kin ni Kuya ang kotse niya at nagtalo pa kami. Nalaman ni Kuya ang pagpunta ko sa isla kaya dinisiplina niya raw ako. Disiplina? Tsk!
Muli kung naalala na magkakilala si Kuya at 'yung Ian na 'yun. Ngayon naman ay professor namin siya. What next? Haist!
"Tutal ay ikaw ang may kasalanan kung bakit tayo naglilinis ngayon, ikaw na tumapos sa kabila," sambit nito at tatalikod na sana, pero tinadyakan ko ang nakatumbang timba na tinumba niya kanina para pigilan siya sa pag-alis.
"Nandito ka dahil hindi mo na perfect ang quiz. Huwag mong isisi sa'kin. At saka anong palaging late? Sa ating dalawa ay ikaw ang mas palaging late. Ngayon lang ako na late, habang ikaw ay araw-araw. Nahanginan ka lang siguro ng masamang hangin ngayon kaya maaga ka ngayon. Huwag kang magmalinis," sambit ko ng seryoso sa kanya.
Humarap siya sa'kin. "Ikaw ang maglinis doon," madiing sambit niya at hindi pinansin ang mahabang sinabi ko.
Bakit ba kasi ako nagsasayang ng laway rito? Napairap ako.
"Fine. Dito ka maglinis at doon ako maglilinis," sambit ko at lalagpasan ko na sana siya, pero bigla nitong hinila ang buhok ko. Napadaing ako sa sakit. Mabilis namang lumapit sila Kira para umawat, pero mabilis ang mga kasama ni Kira para pigilan sila, hanggang sa mapansin ko na halos lahat kami ay nagsasabunutan na.
Ian's POV
"Pinaglinis mo raw ng CR ang section 1 sa Architecture?" Tanong ni Ma'am Krisha nang maupo na kami sa cafeteria.
I'm with Ma'am Krisha and Sir Kenneth
"Yes. They are section 1 at ang section 1 ay pinapalibutan ng mga high honors, pero ni isa sa kanila ay walang nakaperfect ng quiz," sambit ko.
Really, Ian? Is that the reason? I exhaled a sigh. I was annoyed by what I heard earlier, kaya ako biglang nagpa quiz at alam ko na mali iyon.
Mali na ginamit ko ang pagiging professor ko, but I just couldn't accept that she was still able to date someone after what happened between us. Inaamin ko na iniisip kong kapag magkikita kami ulit ay sasabihin niya na panindigan ko ang nangyare sa'min, na panindigan ko siya, pero anong nangyare? Wala pa ata itong pakealam sa nawala sa kanya at 'yun ang mas lalong nagpainis sa'kin.
"Huwag kang masyadong mahigpit, Sir," sambit ni Sir Kenneth.
We were about to start eating when the other students stood up and quickly left the cafeteria. Napasulyap ako kay Krisha na inis na ibinaba ang hawak na kutsara.
"Araw-araw na lang may away. Hindi na tumigil ang mga batang 'to," sambit ni Ma'am Krisha sa tabi ko.
"Pustahan, Ma'am Krisha? Laurente cousin ang nag-aaway," sambit ni Sir Kenneth.
"500. Si Miss Nicole at Miss Carrie ang nag-aaway," sambit ni Ma'am Krisha sabay tayo, para siguro puntahan ang mag-aaway. Natigilan ako nang marinig ang pangalan ni Carrie. At ngayon ay nakikipag away pa siya?
Bakit ba niya nakuha ang atenyon ko noong gabing 'yun?
Nakikipag away rin siya? Iniwan namin ang kinakain namin para puntahan iyon, at halos kumunot ang noo ko nang makita ko ang ilang nga babaeng nagsasabunutan sa labas ng CR ng babae. Marami sila, pero napako ang tingin ko kay Latina na ngayon ay gulo-gulo na ang buhok.
"Panalo ako. Bayaran mo ako mamaya," rinig kong sambit ni Ma'am Krisha kay Sir Kenneth bago lumapit at sawayin ang mga nag-aaway.
Tumulong rin si Sir Kenneth sa pagsuway sa kanila, medyo nahirapan pa sila dahil wala ni isa sa kanilang gustong bumitaw, pero nagtagumpay naman sila na paghiwa-hiwalin sila. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang makitang ilang lalake ang lumapit kay Carrie para bigyan ng panyo at tanungin kung ayos lang siya. She's really a playgirl.
Carrie's POV
"May sugat ka," sambit ni Mark. 3rd year student, architecture.
"Ayos lang ako," sambit ko at nagpasalamat sa binigay niyang panyo.
Natigilan ako nang makita ko si Ian... I mean si Sir Ian na nakatingin sa'kin ng seryoso sa hindi kalayuan. Bakit ba ganoon siya makatingin? Nag-iwas ito ng tingin at naglakad papalapit.
"Dahil sa ginawa niyo, maglilinis pa kayo bukas," sambit nito sabay talikod at alis. Narinig ko ang hindi pagsang-ayon ng mga kaklase ko na nandito, kasama na ako.
Ano bang problema niya! Nasabunutan na nga ako dahil sa parusa niya tapos bukas ulit?
"Miss Carrie!" Tawag sa'kin ni Ma'am Krisha nang naglakad ako paalis.
I just wave my hand while walking away from them. Nang lumiko na kami at sigurado na ako na hindi na kami kita ay binilisan ko ang paglalakad para maabutan siya. Nang maabutan siya ay walang sabi-sabi kong hinila ang kamay niya. Mabilis ang paghila ko sa kanya papunta sa pinakadulo at pumasok sa classroom na abandonado.
Walang gaanong pumupunta rito sa dulo na 'to dahil takot ang mga studyante. May bali-balita kasi na may multo raw rito. Like, what? Ang tatanda na nila para maniwala sa multo.
"What are you doing?" I heard him asking that, pero hindi ko siya agad sinagot dahil sinara ko muna ang pinto.
Nang hinarap ko siya ay kitang kita ko ang inis sa mukha niya. Napasulyap ako sa noo niya nang nakakunot nanaman 'yun gaya noon sa isla. Kinurot ko ang sarili para matigil sa pag-iisip.
"Hindi 'yun makatarungan! Bakit mo kami pinapalinis ng CR? Oo, alam ko na hindi kami naka perfect, pero dapat ayos na yung paglilinis namin kanina!" Inis na tanong ko.
"Why are you shouting at me? I'm your professor," sambit nito habang kunot ang noo.
Ngunuso ako at napasandal sa pintuan.
"Huwag mo na kaming palinisin ng CR, SIR," diniinan ko pa ang salitang Sir.
"No," sambit nito at bubuksan sana ang pinto, pero pareho kaming nanlamig nang marinig ang boses mula sa labas.
"Promise, Roi. Dito siya tumungo, pero wala naman siya. Baka lumiko rin kanina di lang namin napansin." It's Kira.
I bit my lips. Mabilis kong hinila si Sir Ian para mapalapit sa'kin. Baka kasi sumilip si Roi o di kaya si Kira sa bintana. Mas safe naman kami rito sa mismong pintuan. Huwag lang nilang bubuksan.
"Roi, hindi naman iisipin na pumunta r'yan ni Carrie," rinig ko pang sambit ni Kira at mas lumalapit na ang boses nito.
I bit my lips. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kapag nakita nila kami rito ng bago naming professor.
"Lumapit ka pa," mahina kung bulong sa kanya habang nakatagilid ang mukha para sulyapan ang bintana na nasa gilid namin. Hindi ito lumapit kaya napapikit ako sa inis.
"Sabing lumapit--" Natigilan ako at napalunok nang sulyapan ko siya at kasabay noon ay ang paglapit naman niya ng sarili niya sa'kin.
"Ganito?" Tanong pa nito at kaunti na lang ay magdidikit na ang labi namin.
Mahihiya ang hangin na dumaan sa amin sa subrang lapit namin. Pinigilan ko ang paghinga ko takot na baka kapag kumilos pa ako kay mawawalan na talaga ng tuluyan ang pagitan ng labi namin.
Bakit kapag sa kanya nagkakaganito ako? I kissed anyone else, pero bakit ngayon na hindi naman kami naghahalikan ay kinakabahan akong maglapat ang labi namin?
"Carrie!" Tawag sa'kin ni Roi mula sa labas.
"Wala siya." It's Kira at sa mismong bintana na nanggagaling boses niya, pero wala na roon ang atensyon ko.
Lalo na noong naramdaman ko ang paghawak nito sa bewang ko para alalayan. Napansin niya siguro ang panghihina ng tuhod ko.
Ilang saglit ay narinig namin ang yapak nila palayo. Nang masigurado na wala nang tao sa labas ay tinulak ko na siya at nagpatulak naman ito.
"Playgirl," seryosong sambit nito nang tuluyan kaming naglayo. Nang tignan ko siya masamang-masam ang titig nito.
"Ano ngayon kung playgirl ako--"
"Ang dalawang pamangkin ko pa talaga? Sino sa kanila? Roi or Chester? Pumili ka, hindi iyong pinaglalaruan mo sila," sambit nito sa'kin ng seryoso.
Napakurap-kurap ako. "Pamangkin?" Taka kung tanong. Hanggang sa bumaba ang tingin ko papunta sa ID niya.
Erold Ian Laurente
"Laurente? Ikaw?" Tanong ko pa at hindi pa nakuntento. Lumapit ako at hinila ang ID niya para mas makita ang pangalan niya. Narinig ko pa ang mura nito nang mas hilahin ko pa siya para mas mabasa iyon. "Seryoso?" Gulat na gulat na tanong ko nang masigurado ang nakalagay roon.
Hinila nito ang ID niya na hawak ko.
"You also said that you are Latina, but you are not. Bukod sa pagiging playgirl mo, sinungaling ka rin pala," pang-aakusa pa niya.
I rolled my eyes. "Playgirl ako, oo at aminado ako roon, pero sinungaling? Kailan ako nag sinungaling?" Inis na sambit ko at tinaas ko ang ID ko na nakasabit za leeg ko. "Latina Carrie Tavera," sambit ko pa.
Nakita ko naman ang pagtingin niya roon, nang masiguradong nakita na niya ay binaba ko na 'yun.
Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko. Nakakainis talaga 'yung Nicole na 'yun! Akala ko ay wala na itong tanong, pero mali ako.
"And what's with your skirt? Bakit ang ikli?" Ngayon ay sa skirt ko siya nakatingin ng masama
Tinignan ko iyon. "Hindi naman ah," sambit ko, pero imbes na magsalita pa siya ay binuksan na nito ang pinto at lumabas.
Mabilis ko siyang sinundan, buti na lang ay wala ng tao.
"Hoi! Teka! Tito ka talaga nila Roi at Chester?" Tanong ko pa. Hindi siya sumagot, patuloy lang ito sa paglalakad.
"Kung ganoon ay matanda ka na nga talaga?" Taning ko sa kanya at doon siya tumigil.
He gave me a evil look. I bit my lips to make myself stop from smiling.
"Tama pala ako. Matanda ka na nga talaga. I will guess hmmmm... 31? 33? 35? or 40--"
"I'm not, Latina!" Halos umusok na ang ilong niya sa subrang inis kaya napatawa na ako. Pasalamat na lang ako na walang tao rito sa parteng 'to.
"You are, Tito," sambit ko habang tumatawa.
"Latina, stop calling me that," madiin pa nitong sambit.
Pinanliitan ko siya ng mata at umiling. "Sige po, Tito. Mauna na po ako at hinahanap na po ako ng pamangkin mo," sambit ko at naglakad na paalis. Kumaway pa ako sa kanya habang tumatawa bago tumalikod.
Damn! Bakit ang babaw naman ata ang kasiyahan ko ngayon. I bit my lips.
"Baliw ka na, Carrie," sambit ko sa sarili habang nakangiti pa rin.
Ian's POV
"Sige po, Tito. Mauna na po ako at hinahanap na po ako ng pamangkin mo," sambit nito at kumaway na habang paalis.
I want to stop her from going at para na rin pagsabihan siya na huwag akong tawagin na Tito. I'm not old! Saka anong 40? Nang-aasar ba siya? Mukha ba akong nasa 40 na?
Pero natigilan na lang ako nang mapanood ang pagtawa nito habang kumakaway.
"Stop smiling, Latina," sambit ko na alam kong hindi niya narinig. Hanggang sa mawala ito sa paningin ko at napangiti na lang.
"And now you are smiling, Ian?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili bago naglakad pabalik sa cafeteria.