"I hate him! I hate you, Hervey!" Hindi ko maiwasang maibulalas nang makarating ako sa mesang kinaroroonan ni Daniel. What's with him? Nababaliw na ba siya? Bakit niya kasama yung lalakeng 'yun?! Baka nakakalimutan niya na ang lalakeng 'yun sinaktan ako! "Sit down first, Latina," hinila nito ang kamay ko at pinaupo sa tabi niya. Inis kong nilagay ang pouch ko sa mesa. "Anong ginawa ng kapatid mo para magalit ka ng ganyan?" Kunot noong tanong ni Daniel. "Before I tell you, get me some hard liquor now!" Nangangalaita pa ring sambit ko. Nagtawag naman ito ng waiter at kumuha, pero hindi hard liquor ang kinuha niya kaya tinignan ko siya ng masama. "Mag dadrive ka pa," sambit nito. "Whatever." Kinuha ko ang iniabot niyang inumin at inisang lagok. "Hey! Dahan-dahan!" Saway nito. "Kuya is

